^

Dr. Love

May ‘pusong babae’

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Sa murang edad, alam ko po na may kakaiba na sa aking pagkatao, Dr. Love. Aware na po ako sa pagkakaroon ko ng damdaming pang-babae na nasa katawang pang-lalaki.

Sabi ni nanay, hangga’t may magagawa pa ako ay sikapin kong ayusin ang pagkatao ko para magkaroon ako ng normal na buhay. Pero sa palagay ko po, ito na ako. Isang badiday, nagkaka-crush sa kapwa ko lalaki.

Pero dahil mahal ko ang nanay ko, sinisikap ko na magpaka-disente. Sabi niya ay maki­pag­kaibigan lang daw ako at panatilihing may disen­teng pagkatao. Dr. Love, sa ngayon ay nasusunod ko pa po ang nanay ko. Pero hindi ako sigurado kung hanggang kailan ko mapipigilan ang damdamin kong binabae.

Pagpayuhan po ninyo ako. May edad na ang nanay ko at hindi ko gusto na ang kawalan ko ng kontrol sa sarili ang maging dahilan ng hinanakit niya. Ayaw ko rin na magkasakit siya dahil dito.

Thank you po at magandang araw sa inyo.

Gumagalang,

Rollie

Dear Rollie,

Ang pagmamahal mo sa iyong ina ay isang matimbang na dahilan para sikapin mo na ma­pagtagumpayan ang hindi magandang namumuo sa iyong pagkatao.

Sa puntong ‘yan, masasabi ko na may ma­gandang panimula ka na para makakawala sa iyong gender preferences. Kung mapagsi­sikapan mo lang na dumistansiya sa mga ka­ibigan mong confused din sa kasarian, mas mabuti.

Marami na akong kakilalang may homosexuality noon, pero nang unti-unti ay magkaroon sila ng relasyon sa Dios sa pamamagitan ng madalas na pagbabasa ng bible ay nagawa nilang magbago at magpakalalaki.

Sana mapaglaanan mo rin ng oras at pagkakataon na makilala mo si Hesus, na Siya lamang makapagpapabago sa puso ng kahit sino. Walang mawawala kong magbasa-basa ka kahit isang page ng bible kada araw. Ang totoo, magkakaroon ka pa ng umaapaw na pagpapala kapag nagawa mo ito.

Kasama na rito ang kaugnay sa kalusugan ng iyong ina na hinahangad mo. Dahil hindi napapagod ang Dios magpatawad at magbigay ng blessings.

DR. LOVE

vuukle comment

AKO

AYAW

DEAR ROLLIE

DIOS

DR. LOVE

PERO

SABI

SHY

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with