^

Dr. Love

Hit and run

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Maraming salamat sa pagpapaunlak mo sa aking liham at umaasa akong datnan ka ng sulat ko na masaya.

Tawagin mo na lang akong Carlyn, 23-anyos at isang saleslady sa isang bantog na mall sa Maynila.

Nakilala ko rito si Bert, isa siyang Indian at ang mga mata niya’y may dalang pang-akit. Agad ko siyang sinagot nang ligawan niya ako at hindi nagtagal ay ibinigay ko ang aking pagkababae sa kanya.

Minsan isang linggo ay lumalabas kami at nagtatampisaw sa bawal na pag-ibig. Alam kong kasalanan ang makipagtalik basta’t hindi pa kasal ang babae at lalaki. Hindi ko maintindihan kung bakit hindi ako nakaiwas sa paanyaya ni Bert.

Hanggang sa nagbunga ang kasalanang ito. Isang buwan na ang baby na dinadala ko sa aking sinapupunan at nang malaman ito ni Bert, hindi na siya nagpakita sa akin.

Alam na rin ng mga magulang ko ang nangyari sa akin kaya pinalayas ako sa amin at nakikitira ako ngayon sa aking kaibigang matalik na si Flor.

Ano ang gagawin ko?

Carlyn

Dear Carlyn,

Ayaw kitang sisihin sa mga bagay na nangyari na bunga ng iyong kapusukan. Pero naririyan na iyan. Balikan ka man o hindi ng ama ng sanggol na dala-dala mo ay wala ka nang magagawa kundi tanggapin ang kapalaran mo.

Sabi nga ng lumang kasabihan, “su­ngay mo sunong mo, buntot mo hila mo.” Iluwal mo nang matiwasay ang sanggol at harapin mo ang mundo ng pagiging single parent.

Sana ay maging inspirasyon mo ang baby para lalo kang magsikap sa buhay mo at huwag nang uulitin ang ganyang pagkakamali.

Dr. Love

vuukle comment

ALAM

ANO

AYAW

BALIKAN

BERT

CARLYN

DEAR CARLYN

DR. LOVE

HANGGANG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with