^

Dr. Love

Pinagnanasahan ng stepfather

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Tawagin mo na lang akong Mau, 24-anyos at bagong kasal. Hinimok kami ng aking ina na pumisan sa kanya dahil hindi pa kalakihan ang sinasahod ko sa aking pinagtatrabahuhan.

Pumayag naman kaming mag-asawa. Ngayon ay maglilimang buwan na kaming nakapisan sa aking magulang.

Biyuda ang nanay ko at nag-asawang muli. Wala naman akong maipintas sa aking step dad dahil trinato akong tunay na anak at mabait sa aking ina.

College pa ako ay kasama na namin sa bahay ang aking pangalawang ama. Pero lumabas ang pangit niyang ugali sa unang dalawang buwan pa lang ng aming pagpisan sa kanila.

Sabi ng misis ko ay makahulugan ang mga titig ng aking amain sa kanya na para siyang hinuhubaran.

Natatakot akong magsabi sa aking nanay at baka pagsimulan ng gulo. Ano ang gagawin ko, Dr. Love?

Mau

Dear Mau,

Ang pinakamabuti ay bumukod na kayong mag-asawa. Kung hindi ninyo kayang umupa ng apartment, kahit maliit na kuwarto ay puwede na.

Matuto lang kayong magsinop at huwag munang magkakaanak agad.

Tama ka. Baka ang mga malalagkit na titig ng amain mo sa iyong misis ay mauwi pa sa isang bagay na pagsisisihan ninyo.

 Kung magsasarili kayo, alam ko na maraming ideya ang mabubuksan sa inyong isip para umunlad ang inyong buhay. Mas maganda na habang maaga ay natututong magsarili ang mag-asawa.

Hindi mo na kailangang sabihin sa nanay mo ang totoong dahilan ng pagbukod ninyo. Basta sabihin mo lang na ibig ninyong matutuhang mag-asawa ang pagiging responsable sa sarili ninyong buhay.

Dr. Love

 

vuukle comment

AKING

ANO

BIYUDA

DEAR MAU

DR. LOVE

HINIMOK

MATUTO

NATATAKOT

NGAYON

PERO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with