^

Dr. Love

Naiskandalong Kabit

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Pinagpalang pagbati sa iyo, Dr. Love. Para mapangalagaan ang ngalan ng ibang kasama sa istorya ko, itago mo na lang ako sa alyas na  Bituin.

Ako po ay 26 anyos at mayroong boyfriend na may asawa. Itago mo na lang siya sa pangalan Dex. Lihim ang relasyon namin pero sabi nga, walang sikretong hindi nabubunyag.

Sa aming lihim na tagpuan, sa isang restaurant sa Makati ay biglang dumating ang asawa niya. Sinugod kami at walang kaabug-abog na sinabunutan ako at pinagsasampal. Na-eskandalo kami sa harap ng maraming tao.

Hindi ko naman masisi ang asawa niya dahil baka ganyan din ang gagawin ko kung nagkapalit kami ng katayuan.

Nag-lay low lang kami ni Dex pero tuloy ang lihim naming relasyon. Nagpasya ako na maki­pag-break na sa kanya dahil walang kahihinatnan ang aming relasyon. Ayaw niya at niyakap ako ng mahigpit.

Iresponsable raw at madjongera ang asawa niya at pinababayaan ang kanilang mga anak. Naaawa ako sa kanya. Mahal ko rin siya.

Ano ang dapat kong gawin?

Gumagalang,

Bituin

 

Dear Bituin,

Mali sa batas ng Dios at ng tao ang inyong ginagawang pagtataksil. 

Dalawang bagay lang ang maaari ninyong gawin. Maghiwalay o magpa-annul si Dex para malaya siyang makapag-asawa muli.

Sa patuloy ninyong pagtatagpo, hindi mala­yong ipagharap kayo ng kaso ng asawa ni Dex at puwede kayong kapwa mabilanggo.

Dr. Love

vuukle comment

AKO

ANO

ASAWA

AYAW

BITUIN

DALAWANG

DEAR BITUIN

DR. LOVE

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with