^

Dr. Love

Status symbol seeker?

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

May limang buwan na kaming lumalabas para mag-date ni Ken at sa loob ng panahong ito, nakita kong siya na ang lalaki para sa akin. Pero ang hindi ko maintindihan ay hindi ko makitaan ng ibang interes sa akin si Ken, maliban sa isang close friend.

Sa palagay ko po, napipigil niya ang sarili sa pagiging expressive dahil naiisip niya na interesado lang ako sa mga taong may mataas na antas ng pamumuhay. Madalas kasing sabihin ni Ken na kung hindi lang daw sila may kaya sa buhay ay never akong makikipagkaibigan sa kanya.

Ang mga kabarkada ko po kasi ay pawang may kaya sa buhay, lahat kami ay graduate ng exclusive school. Kaibigan ng parents ko ang mga magulang nila.

Habang ang mga kaibigan ni Ken at ang kanyang pamilya ay nasa iba’t ibang antas ng pamumuhay.

Nagkakaroon tuloy ako ng pakiramdam na kinikilatis ako ni Ken para patunayan sa sarili niya na status symbol seeker ako. Dr. Love, tulungan po ninyo ako na maipakilala kay Ken ang tunay na ako. Kumbinsido po ako na sa kanya ako liligaya dahil siya ang dream boy ko.

Maraming salamat po at more power to you.

Gumagalang,

Lenie

Dear Lenie,

Huwag mo masyadong i-pressure ang sarili mo kung paano ka nakikita ng ibang tao sa iyong paligid. Basta continue to be your self, no pretention.

Ang pagkilala sa kahit kaninuman ay hindi naman nakukuha sa maiksing panahon lang. It always takes time to know much more about someone.

Siguro bukod sa paglabas ninyo ni Ken, paminsan-minsan ay yayain mo rin siya sa inyong bahay kasama ng mga kaibigan mo o kapag may family gathering sa bahay ninyo, isama mo siya para mas ma-expose siya sa pamilyang meron ka, higit sa lahat sa tunay na pagkatao mo.

Kapag  nakilala mo na siya ng lubos, sa palagay ko doon mo lang talaga maku-confirm sa sarili mo kung siya na ba talaga ang gusto mong maging ka-partner. Pero alam mo, kahit hindi mo nabanggit ang edad mo…bata ka, kaya focus muna sa pag-aaral. Makakapaghintay naman ang love.

DR. LOVE 

vuukle comment

AKO

DEAR LENIE

DR. LOVE

GUMAGALANG

HABANG

HUWAG

KAIBIGAN

KEN

PERO

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with