^

Dr. Love

Iminulat sa prinsipyo

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Bata pa lang ay iminulat ng aking asawa ang aming mga anak sa prinsipyo na  kung saan nadapa ay doon bumangon. Kaya naman ito na ang tumatak sa kanilang isip.

Hindi ko akalain na magkakaroon ako ng pag-a­alinlangan sa prinsipyong ito sa sandaling isa sa aking mga anak ang madapa.

Ang panganay ko ay nabuntis ng lalaking ires­ponsable, nanaig ang gusto ni Lorna at sumama siya sa lalaki.

Sa tindi ng sama ng loob ay inatake ang aking asawa at namatay. Pasiyam na ni Domeng nang magsadya si Lorna sa bahay kasama ang kanyang asawa. Ikinasal sila dahil ang aking anak ang nagmistulang namanhikan. Itinakwil siya ng kanyang ama, kaya napilitang kausapin ang mga magulang ng kanyang boyfriend at ipinagtapat ang lahat kaya ikinasal sila.

Unang pagkakataon na makilala ng iba ko pang mga anak ang asawa ni Lorna at hindi maitago ang kanilang pagngingitngit. Kinumbinsi ko si Lorna na saka na lamang bumalik sa kanyang biyanan at sa aming bahay na iraos ang panganganak at pagpapalakas. Pero hindi niya ito sinang-ayunan.

Sa kagustuhan kong maalalayan siya, pinasunod ko ang nakababata niyang kapatid na si Daisy sa ibinigay niyang address at doon na nalantad sa amin ang miserableng kalagayan ni Lorna.

Sa kabila ng pagbubuntis, mistulang katulong siya sa bahay ng kanyang biyanan na taga-laba ng lahat ng kanilang maruruming damit. Hindi ko mapigilang maluha, gusto kong bawiin ang aking anak.

Pero nananig kay Lorna ang prinsipyo ng kanyang ama, kung saan daw siya nadapa ay doon siya babangon.  Ano po ang dapat kong gawin, Dr. Love?

Gumagalang,

 Problemadong Nanay 

 

Dear Problemadong Nanay,

Huwag mong lunurin sa pangamba ang kalooban mo para sa iyong anak, dahil hindi naman ito makakatulong sa kanyang kalagayan. Tama ang pagpapadala mo sa kanyang kapatid para maalalayan siya. Kung ayaw ni Lorna manganak sa inyong probinsiya at posible naman na makaluwas ka, puntahan mo siya. Sa ganitong paraan ay mababawasan rin ang iyong pag-aalala.

Sadyang dumarating ang sandali na ang mga anak na ang nagdedesisyon para sa kanilang sarili, ang natitirang bahagi ng magulang ay magsilbing gabay na lang nila.

DR. LOVE    

vuukle comment

ANAK

DEAR PROBLEMADONG NANAY

DR. LOVE

KANYANG

LORNA

PERO

PROBLEMADONG NANAY

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with