^

Dr. Love

Gusto nang mag-asawa uli

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Isang pinagpala at mabiyayang araw sa iyo, Dr. Love. Kabilang ako sa maraming sumusubay­bay sa iyong column at tulad nila, hanap ko rin ang maganda mong payo sa aking problema.

Nawa ay mapaunlakan mong itampok ang aking sulat sa malaganap mong column, sa paborito kong Pilipino Star Ngayon.

Tawagin mo na lang akong Mina, 39-anyos at dalawang taon nang  biyuda.  Teenager na ang kaisa-isa kong anak na babae at nasa ikatlong grado ng high school. Mag-isa ko siyang itinaguyod kahit ako’y isa lamang saleslady. Sa totoo lang, hirap na hirap ako dahil maliit lang ang kinikita ko.

Nagkaroon ako ng boyfriend na kapareho kong biyudo.  Isa siyang business executive at niyayaya akong pakasal. Alam kong malaking tulong siya sa akin sa pagtataguyod ng aking anak at nangako naman siyang gagawin niya ‘yon.

Kaso, madalas kong marinig sa anak ko na ayaw niya akong mag-asawa kaya hindi ako makapagsabi sa kanya at baka siya magtampo. Ano ang gagawin ko?

Gusto kong maunawaan ng anak ko ang aking kalooban, na nagnanais magkaroon ng katuwang sa buhay. Pero hindi ko alam kung paano ito gagawin. Pagpayuhan po ninyo ako.

Maraming salamat.

Gumagalang,

Mina

Dear Mina,

Gawin mong dahan-dahan ang lahat. Haya­an mong makabisita sa inyong bahay ang iyong boyfriend, pero ipakilala mo muna siya bilang kaibigan.

Hayaan mo silang magkaroon ng pagkakataon na makasalamuha ang isa’t isa. Kapag nakapalagayan na siya ng loob ng iyong anak ay saka kayo unti-unting magpahiwatig tungkol sa inyong dalawa. Kapag nakita mo na positibo ang reaksiyon niya, magandang pagkakataon siguro ‘yon para i-open mo sa kanya ang plano mong mag-asawang muli.

Sa usapan na may sinseridad at pagmamahal, sa palagay ko ay mauunawaan ka ng iyong anak.

Dr. Love

vuukle comment

AKO

ALAM

ANAK

ANO

DEAR MINA

DR. LOVE

KAPAG

PILIPINO STAR NGAYON

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with