^

Dr. Love

Palahingi ang kamag-anak

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Isa po akong Filipino-American na ngayon ay naninirahan sa Cincinnati, Ohio. Kamakailan lang ay umuwi ako ng Pinas para sa libing ng yumao kong ama.

Medyo may hinanakit lang po ako sa aking asawa dahil noong buhay pa ang ama ko ay hindi niya ako pinayagang makauwi, ‘di sana nakausap ko pa ang tatay ko.

Sa labing-limang taon naming pagsasama bilang mag-asawa ay hindi  niya rin maintindihan ang kinaugalian natin na malapit sa mga kamag-anak. Ayaw niyang nagbibigay ako, gayong may kakayahan naman daw ang mga kamag-anak kong magtrabaho. Hindi raw nakakatulong sa pag-unlad ang umasa na lang.

Tama rin naman sa isang banda. Pero malimit na sumasama ang loob ng mga kapatid ko kapag hindi ko agad naibigay ang hinihingi nilang tulong. Ano po bang dapat kong gawin sa ganitong sitwasyon?

Tulungan mo po ako.

Gumagalang,

Mailah

Dear Mailah,

May punto ang asawa mong banyaga, kung kaya namang magtrabaho, bakit aasa sa hingi? Hindi makakabuti para sa mga kamag-anak mo at sa inyong pagsasamang mag-asawa na magtalo para sa pangangailangan ng kamag-anak. Kaya makabubuti na makinig ka sa asawa mo, tumulong ka lang ng tama para hindi mamihasa ang mga kamag-anak mo at matututo silang magbanat ng buto.

DR. LOVE

vuukle comment

ANO

AYAW

DEAR MAILAH

DR. LOVE

FILIPINO-AMERICAN

GUMAGALANG

ISA

KAMAKAILAN

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with