^

Dr. Love

Two-timer ang bf

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Nawalan po ako ng best friend, matapos siyang magalit nang pagmalasakitan kong sabihin sa kanya na two timer ang boyfriend niya.

Sa halip na magpasalamat, pabulyaw pa akong pinagsabihan ni Nora na huwag makialam sa buhay niya. Na-realize ko na minsan niyang sinabi sa akin na kahit anuman ang mangyari ay ayaw niyang magkasira sila ni Buboy.

Kilala ko rin po ang isa pang girlfriend ni Buboy, sa palagay ko ay hindi rin alam ng babae na dalawa silang girlfriend. Nakakaisip po ako na sabihan ko rin siya tungkol sa ginagawa ng boyfriend niya, na boyfriend rin ng best friend ko.

Hindi ko naman po intensiyon na guluhin ang kanilang buhay, gusto ko rin po na ihinto ni Nora ang pagbibigay ng kanyang katawan sa boyfriend niya. Ito po ang naisip niyang paraan para manatili sa kanya ang boyfriend niya.

Payuhan po ninyo ako, Dr. Love. Tama ba na ipaalam ko rin sa isa pang girlfriend ni Buboy ang kanyang ginagawa para magka­alaman na?

Gumagalang,

Zenaida

Dear Zenaida,

Maituturin na isang kayamanan ang kaibi­gan na may tapat na pagmamalasakit. Pero sa palagay ko ay sapat na ang pagbibigay-alam mo sa iyong best friend tungkol sa kalokohan ng kanyang boyfriend. Sa naging reaksiyon niya, malinaw na tototohanin niya ang minsan ninyong napag-usapan na hindi niya gustong magkasiraan sila ni Buboy.

Maaaring aware na ang iyong best friend sa pagiging two timer ng boyfriend niya pero takot siyang harapin ang katotohanan, sa halip ay nagpapatay-malisya na lang at mistulang kapit-tuko sa kanilang relasyon.

Nakakalungkot isipin na kailangan niyang ipagsangkalan ang kanyang katawan para lang manatili sa kanya ang boyfriend niya. Isang bagay na sa huli ay alam nating lahat kung sino ang malulugi.

Ipagdasal mo na lang ang best friend mo na sana, hindi pa mahuli ang lahat habang hindi pa siya buntis ay ma-realize na niya na nasasayang ang buhay niya sa isang salawahan na lalaki.

DR. LOVE

vuukle comment

BOYFRIEND

BUBOY

DEAR ZENAIDA

DR. LOVE

GUMAGALANG

IPAGDASAL

NIYA

NORA

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with