^

Dr. Love

Nawalan ng mana

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Ako po ay isang ampon ng mag-asa­wang walang anak. Kapwa may edad na ang ama-amahan kong balo at matandang da­laga kong ina-inahan nang kupkupin nila ako noong ako’y onse anyos pa lamang.

May anak sa unang asawa niya si Tatay Ides, ang kinakapatid ko na si Ate Noime. Hindi ko po akalain na magkakaroon kami ng problema.

Nagtatrabaho sa US si Ate Noime noong kasagsagan nang pagkakasakit ng dalawang matanda. Inako ko po lahat ang res­ponsibilidad ng pag-aalaga hanggang sa mapayapang silang maihatid sa huling hantungan. Pero hindi po ako nagrereklamo sa bagay na ito. Dahil kung tutuusin, hindi pa sapat ang bagay na iyon sa lahat ng kabutihan nila sa akin.

Bago po tuluyang namayapa ang aking ina-inahan, sinabi niya sa akin na sa akin na ang lupa na kinatatayuan ng aming tini­tirhan, isang conjugal property. Na kay Ate Noime raw ang titulo dahil siya ang nagpagawa nito.

Akala ko ay wala akong magiging prob­lema dahil ang mismong ina-inahan ko ang naghabilin sa akin tungkol sa manang lupa. Pero biglang sumulpot si Ate Noime at pinalilipat kami ng aking pamilya dahil ibebenta raw niya ang lupa.

Masamang-masama po ang loob ko, dahil wala nga naman akong kahit anumang katibayan na maipapakita. Ang sabi ni Ate Noime, bago namatay ang kanyang ama ay ipinamana sa kanya ang lupain.

May karapatan ba akong magalit kay Ate Noime, Dr. Love? Sa pakiramdam ko po ay naapi kami ng sobra. Payuhan mo po ako.

 Nagpapasalamat,

 Jovencio

Dear Jovencio,

Ang usaping tinitukoy mo ay kaugnay sa legalidad ng lupang ipinama sa inyo, ang nagbigay sa iyo ay ang ina-inahan mo habang kay Noime naman ay ang kanyang ama.

Wala akong sapat na kaalaman tungkol sa bagay na ganyan. Kaya ang pinamabuti sa isang abugado ka magpa-advise para malaman mo kung may habol ka sa lupa.

 DR. LOVE       

 

vuukle comment

ATE

ATE NOIME

DAHIL

DEAR JOVENCIO

DR. LOVE

NOIME

PERO

TATAY IDES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with