^

Dr. Love

Widow Star

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Kumusta po kayo? Hangad ko na nasa ma­ayos kayong kalusugan sampu ng mga mahal ninyo sa buhay sa pagtanggap ninyo ng sulat ko. Ako po ay kabilang sa mga avid followers ng inyong column.

Mangyaring huwag n’yo na lang ilathala ang tunay kong pangalan kundi pakitago na lang ako sa alyas na Widow Star.

Isa po akong biyuda na may tatlong anak, at sa gulang na 42, may mga nanliligaw pa rin sa akin. May maliit akong karinderya sa aming bahay at ‘yun ang ipinantatawid ko sa bawat pangangaila­ngan naming mag-iina.

May tatlong nanliligaw sa akin na regular customer sa karinderya ko. Isa sa kanila ang napupusuan ko. Kaso may agam-agam sa aking dibdib. May matino pa bang lalaki na papatol sa isang biyudang may tatlong anak?

Baka pagsamantalahan lang ako. Dahil sa establisadong kabuhayan na mayroon ako. Nahihirapan po akong malaman kung talagang totoo ang panunuyo ng sino man sa kanila. Kadalasan po kasi ay puro mabubuti ang pakita kapag sinusubukan pa lang na pasagutin ang nililigawan.

Paano ko malalaman ang kalooban ng isang tao para hindi ako mapahamak? Nangangamba po ako na magkamali ng aking desisyon at magdusa maging ang mga anak ko. Pagpayuhan po ninyo ako.

Widow Star

Dear Wishing Star,

Pinakamabuti ang maging segurista. I-background check mo ang mga manliligaw mo, lalo na ang napupusuan mo. Kung may kilala kang nakakakilala rin sa kanya, tanungin mo ang background.

Unang-unang dapat malaman at masiguro kung binata siya o biyudo. Marami kasi ang ma­pagsamantala at dapat mag-ingat ang mga kaba­baihan.

Sikapin mo na laging makipagkwentuhan sa kanila at unti-unti ay usisain mo ang kanilang pagkatao. Natitiyak ko na matutukoy mo o may mala­laman at mapupulot ka sa pakikipaghuntahan sa kanila.

Ang mga naging karanasan mo sa buhay ang magiging sapat na basehan mo para makikila ang pagkatao nila. Pero mahalagang huwag maging mainipin dahil ang pagkilatis sa isang tao ay hindi nadadaan sa madalian.

Dr. Love

vuukle comment

AKO

DAHIL

DEAR WISHING STAR

DR. LOVE

HANGAD

ISA

KADALASAN

WIDOW STAR

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with