^

Dr. Love

Napilitan lang

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Sinagot ko po ang boyfriend kong si Fred dahil ayaw kong magdamdam ang nanay ko, na botong-botong sa kanya. Ayaw kasi ni nanay sa crush ko.

Gusto siya ng nanay ko para sa akin dahil nakakasiguro raw siyang maganda ang kinabukasang naghihintay sa akin. Responsable po kasi si Fred sa halos lahat ng bagay. May stable job siya, may mga naipundar na rin po gaya ng bahay at lupa; may negosyo na rin.

Malinaw rin po sa akin na talagang mahal ako ni Fred, dahil hindi naman siya tatagal ng panliligaw sa akin kung hindi seryoso ang kalooban niya. Pero Dr. Love, maraming beses ko nang si­nuri ang feelings ko kay Fred…hindi ko po talaga mahagilap ang pakiramdam na komportable ako sa kanya.

Hindi naman po pangit si Fred at tunay siyang magalang. Pero ang magaan na pakiramdam at masayang kalooban ay nadarama ko sa piling ni Dante. Hindi ako nag-aalala kung anuman ang ugaling mapansin niya sa akin. Samantalang kay Fred ay parang lagi akong naninimbang sa pagsasalita at pakikitungo sa kanya.    

May pagsisisi po sa kalooban ko, na sana matagal ko nang sinabi kay Fred na magkaibigan na lang kami. Pero nasagot ko na po siya dahil kay Inay. Sinabi niyang mas mabuti na hindi ko masyadong mahal ang nobyo ko dahil kapag natu­tu­han ko siyang ibigin, mas matiim at mas totoo. Ako po ngayon ang nag-aalinlangan sa aking sarili, kung siya na talaga ang lalaki para sa akin.

Ano po ba ang dapat kong gawin?

Gumagalang,

Elsie

Dear Elsie,

May panahon ka pa para pag-aralang mabuti kung sino sa dalawang lalaking nasa paligid mo ang gusto mo. Uulitin ko, gusto mo. Kahit kailan ay hindi tamang idepende ang usaping puso sa dikta ng iba, kahit pa ito ay pinakamalapit sa iyo.

Dahil ikaw lang ang makakapagdesisyon kung saan ka maligaya. Oo, tama ka. Maaaring ipagdamdam ng iyong nanay kung hindi ang lalaking botong-boto siya ang mapili mo. Pero sa umpisa lang ‘yun.

Natitiyak ko na magiging sapat ang pagmamahal sa iyo ng iyong ina, para ipaubaya niya sa iyo ang sarili mong kaligayahan. Kausapin mo rin ang lalaking gusto mo para matulungan ka niyang makumbinsi sa paningin ng iyong ina, na hindi mo ikapapahamak ang pakikipagrelasyon sa kanya.

DR. LOVE  

 

vuukle comment

AKIN

ANO

AYAW

DEAR ELSIE

DR. LOVE

FRED

PERO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with