^

Dr. Love

Hindi ligawin

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Nagpupugay po ako sa inyo at sa lahat ng sumusubaybay sa Dr. Love. Tawagin n’yo na lang akong Sonia, dalaga at 20-anyos.

Kaga-graduate ko lang sa kursong computer science at nagtatrabaho sa isang call center.

Naiinggit ako sa mga kaibigan ko. Lahat sila ay may mga boyfriend na pero ako ay wala pa. Hindi naman ako pangit pero bakit kaya wala akong manliligaw?

Ayaw ko namang maging magaslaw sa kilos para maka-attract lang ng manliligaw. Sabi naman ng mga friends ko, may itsura naman ako pero kulang lang sa ayos sa katawan.

Simple lang kasi akong manamit. Kung minsan nga ay napagkakamalan akong tomboy pero hindi naman.

Tulungan mo po ako, Dr. Love.

Sonia

Dear Sonia,

Baka ang kailangan mo lang ay personality development. Mayroon talagang mga babaeng kahit hindi pangit ay hindi ligawin.

Mayroon namang hindi lubhang kagandahan pero nagkakandarapa ang mga manliligaw.

Kung may kaibigan kang babae na may ma­gandang personalidad, dumikit ka sa kanya at humingi ng payo at maaari siyang makatulong sa iyo.

Isa pa, 20-anyos ka pa lang naman at medyo malayo pa sa pagtanda nang dalaga.

Malay mo, naririyan lang sa tabi-tabi ang lalaking magmamahal sa iyo.

Dr. Love

vuukle comment

AKO

AYAW

DEAR SONIA

DR. LOVE

ISA

KAGA

LANG

MAYROON

SONIA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with