^

Dr. Love

Takot mabigo

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Una sa lahat ay hayaan mong batiin kita ng isang mapayapang araw, Dr. Love. Ikubli mo na lang ako sa pangalang Ruben, isang magsasaka rito sa Nueva Ecija.

Sa gulang kong 31 ay wala pa po akong asawa at sabi ng mga magulang ko na pawang matanda na, mag-asawa na raw ako para makita nila ang kanilang apo bago sila mawala sa daigdig.

Sa totoo lang, mayroon akong kasin­tahan noon. Kababata ko siya simula pa nung kami’y nasa elementarya.  Ang problema ay tutol sa akin ang kanyang pamilya dahil mahirap lang kami.

Sa kabila nito ay sumumpa siyang hindi siya hihiwalay sa akin. Pero hindi nagtagal ay nabalitaan ko na lang na nilalakad niya ang kanyang visa papuntang Amerika.  Mayroon pa lang American citizen na pakakasalan niya.

Hindi ko na siya nakita mula noon hanggang tuluyan siyang makaalis. Masakit masyado ang nangyari sa akin at nadamay ang lahat ng kababaihan sa galit ko. Ayaw ko nang umibig muli.

Hanggang sa makilala ko si Zoraida na ipinakilala sa akin ng aking pinsan. Niligawan ko siya pero may agam-agam sa puso ko dahil masyado siyang makabago. Natatakot ako na baka masaktan akong muli.

Dapat ko bang ituloy ang panliligaw?

Ruben

Dear Ruben,

May kasabihan na mas mabuti ang umibig at mabigo kaysa tuluyang hindi umibig.  Walang sino man ang makasisiguro na ang isang relasyon ay mauuwi sa maganda o sa kabiguan pero talagang ganyan ang buhay. Parang sugal.

Huwag mong hayaan na dahil lamang sa isang masaklap na karanasan ay hihinto na nang tuluyan sa pag-ikot ang iyong daigdig.

Dr. Love

vuukle comment

AMERIKA

AYAW

DAPAT

DEAR RUBEN

DR. LOVE

HANGGANG

HUWAG

NUEVA ECIJA

RUBEN

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with