^

Dr. Love

Magulong pag-iisip mo

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr, Love.

Kumusta, Dr. Love? Kung puwede ay itago mo na lang ako sa pangalang White Lily. Ako po ay may asawa ngunit  kami ay nagkahiwalay. ‘Di ko alam kung bakit laging mainit ang ulo ko sa kanya.

Dati siyang may ka-live-in at mayroon siyang isang anak. Ako naman ay dating may boyfriend at siya po ay mahal ko, hindi ko rin po alam kung bakit ako nagpakasal sa asawa ko pero hindi naman po ako nagsisisi na nagpakasal.

Marami rin kaming pinagdaanang pagsu­bok ng mister ko bago kami nagkahiwalay.

Binabalikan ako ngayon ng dati kong boyfriend at alam niya ang lahat ng tungkol sa akin, lalo na nang mag-asawa ako at tanggap naman po niya ‘yun.

May balak din po siyang pakasalan ako sa kabila ng nagawa ko sa kanya. Pinagtatanggol niya po ako sa mga kamag-anak niya.

Sa ngayon po, Dr. Love ay may kontak pa kami ng asawa ko. Pero ang sabi ng family ko kapag bumalik pa raw po ako sa kanya, ita­takwil na raw po nila ako. 

Nalilito na po ako sa nararamdaman ko, Dr. Love. Mahal ko ang boyfriend ko pero may pagmamahal pa ako sa asawa ko.

Ewan ko, Dr. Love naguguluhan po talaga ako at natatakot sa pwedeng mangyari. Sana po ay mapagpayuhan ninyo ako sa dapat kong gawin.

More power.

White Lily

Dear White Lily,

Hindi kita maintindihan. Kung ang sarili mo ay hindi mo maunawaan, paano ka mauunawaan ng iba?  May boyfriend ka dati na mahal na mahal mo pero nagpakasal ka sa lalaking pinagsusungitan mo dahil may anak sa ibang babae?

Kung magkagayon, ikaw pala ang problema at hindi ang asawa mo.

Nagkahiwalay kayo ng asawa mo at ngayo’y bumabalik ang boyfriend mo. Kung magpapa­kasal kayo, paano ‘yon gayung kasal ka sa ibang lalaki?

Hindi ako makakagawa ng desisyon para sa iyo. Ikaw lang ang makakapag-pasya niyan although para sa akin, makabubuting makipagbalikan ka sa asawa mo at tingnan mo ang pagkakamali mo sa iyong sarili at isaayos mo nang magkaroon ka ng maayos na pamilya.

Dr. Love

vuukle comment

AKO

ASAWA

BINABALIKAN

DATI

DEAR WHITE LILY

DR. LOVE

EWAN

WHITE LILY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with