^

Dr. Love

Indecent proposal

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Malugod akong nagpupugay sa iyo sampu na ng mga tagasubaybay mo at staff diyan sa PSNGAYON.

My name is Jelai. Huwag mo na lang ilathala ang aking buong pangalan. Ako ay 22-anyos at katatapos ko lang sa kursong IT.

Naghahanap ako ng trabaho at nasumpungan ko ang isang kompanya at doon ako nag-apply.

Isang lalaking 50-anyos ang nag-interview sa akin. Siya pala ang may-ari ng kompanya at walang maraming tanong, kinuha agad ako.

Nagulat ako dahil kahit wala akong karanasan ay binigyan ako ng sahod na P30,000 a month.

Mabait naman siya. Ang sabi niya, marami raw maiinggit kaya magsisimula ako sa sahod na P15,000 muna at ‘yung kalahati ay personal niyang iaabot sa akin nang walang pinipirmahang payroll.

Nang isang buwan na akong nagtatrabaho. Pinatawag ako sa kanyang opisina para i-abot ang kakulangang P15 k sa sweldo ko. Pero may sinabi siya sa akin na ikinatakot ko.

Sabi niya may crush daw siya sa akin at kung papayag akong maging lover ko siya ay ibibili pa ako ng bahay.

Agad akong tumayo at hindi ko kinuha ang iniaabot niyang pera. Sabi ko, magte-tender na ako ng resignation. Nag-resign ako noon din.

Pero parang nagsisisi ako. Mahirap lang kami at nakatapos sa kurso dahil sa scholarship. Sabi ng boss ko, kung magbabago ang isip ko ay malaya akong bumalik. Ano ang gagawin ko?

Jelai

Dear Jelai,

Ang ginawa mong pagbibitiw ay siyang pinakatama at disenteng pasya. Huwag nang magbabago pa ang isip mo dahil hindi kalugud-lugod sa Diyos ang maging “the other woman.”

Tutal nakatapos ka ng pag-aaral. Paghusayan mo na lang at maghanap ng ibang mapapasukan. Magsumikap ka at darating din ang araw na aasenso ka sa tulong ng Maykapal.

Dr. Love

vuukle comment

AKO

AKONG

ANO

DEAR JELAI

DIYOS

DR. LOVE

HUWAG

JELAI

PERO

SABI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with