^

Dr. Love

Two-timer

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love

Puwede po bang itago n’yo na lang ako sa alias na Red Rose ng Makati? Ako po ay 21 anyos at konektado sa isang financing company sa Makati City.

Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa. Problema ko ang pagkakaroon ng dalawang kasintahan. ‘Yung una ay matagal na ang relasyon namin at love ko siya talaga.  Isang opisina ang pinapasukan namin at lihim ang relasyon namin sa opisina.

Ang kasunduan namin ay mag-iipon muna siya bago kami magsama.  Masipag siya at nagsa-sideline bilang security guard sa gabi.

Pumayag naman ako. Kapag day off niya ay nakakapag-date kami.

Ang aking pangalawang boyfriend ay katrabaho ko rin sa kompanya pero sa ibang departamento at ang alam ng lahat ay kaibigan ko lang siya. Palihim din kung mag-date kami.

Mas mahal ko ‘yung una pero malakas ang appeal sa akin ng pangalawa. Excited ako kapag nakikita ko siya. Naibigay ko na ang a­king sarili sa kanilang dalawa. Mali po ba ito?

Red Rose

Dear Red Rose

Kailangan pa bang itanong iyan? Kahit sa sampung taong gulang na bata ay siguradong “mali” ang isasagot sa iyo.

Marahil kahit hindi ka sumulat sa akin ay alam mo na ang ipapayo ko sa iyo. At kahit kaninong counselor ka sumangguni, tiyak ang sasabihin nila’y maglubay ka sa kalokohan mo. Pero madaling magpayo ng tama, ang problema lang ay kung susundin ang payo.

Ang tinitiyak ko, walang kaayusan ang buhay mo at kinabukasan kapag hindi ka nagbago at nagpakatino.

Dr. Love

vuukle comment

DEAR RED ROSE

DR. LOVE

ISANG

KAHIT

KAILANGAN

KAPAG

MAKATI CITY

RED ROSE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with