^

Dr. Love

In-love kay Lolo

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Hi, Dr. Love at kumusta ka po? Tawagin mo na lang akong Lynn, 21-anyos. Kinakan­tyawan ako ng mga kabarkada ko. Ang dahilan, first time akong na-in love at sa isang lalaking puwede ko nang maging lolo.

May mga naging boyfriends ako noon pero hindi ko maituturing na true love. Iba ang na­ra­ramdaman ko sa lalaking ito.

Tawagin mo na lang siyang Marty. Isa siyang binata na 59-anyos. Nang ligawan niya ako ay ni-hindi nagtagal ay sinagot ko siya.

Unang-una, guwapo siya at matikas at mukhang nasa 40-anyos lang siya. Sabi niya, dati siyang may ka-live in pero pinagtaksilan siya nito kaya sa matagal na panahon ay hindi siya nakipagrelasyon kahit kanino.

Sabi niya sa akin, handa niya akong paka­salan.

Ang mga magulang ko ay puwede na niyang maging anak pero wala naman silang tutol sa aming relasyon.

Noong una kasi ay labis ang pagkontra nila. Pero nang makilala nila si Marty ay naniwala silang mapupunta ako sa mabuting kamay kung siya ang mapapangasawa ko.

Negosyante si Marty at stable ang kanyang kabuhayan.

Pero nahihiya ako sa mga kaibigan ko na kinakantyawan akong may boyfriend na may lolo pa.

Lynn

Dear Lynn,

Ang taong mahal mo ay hindi mo dapat ikahiya.

Okey lang na maging mas matanda ang lalaki sa babae kaysa ang babae ang mas matanda sa lalaki.

Wika nga, may magandang disposisyon ang lalaking may gulang na.

Kaya ang masasabi ko, kung sadyang mahal mo siya, go for it.

Dr. Love

         

vuukle comment

DEAR LYNN

DR. LOVE

ISA

MARTY

PERO

SABI

SIYA

TAWAGIN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with