^

Dr. Love

Parehong makapamilya

The Philippine Star

Dear Dr. Love,

Sa tatlong taon naming relasyon ni Vince, ang katangian niya kung kaya lalo siyang napamahal sa akin ay ang pagpapahalaga niya sa pamilya, ganun din kasi ako. Pero hindi ko po akalain na ang katangian ding ito ang pag-uugatan ng tuluyan naming pagkakalayo.

Napag-uusapan po namin ni Vince noon ang kasal pero sa hindi ko malamang dahilan ay bigla na lang siyang nanlamig sa akin. Ang kasunod nito ay hiniling niyang mag-cool off kami at nagbakasyon siya ng isang buwan sa kanilang probinsya, wala kaming komunikasyon hanggang magbalik-trabaho siya.

Ibang Vince na po ang nakita ko noong mga panahon na ‘yon. Ilang araw pa  ang lumipas ay humiling siyang ibalik na namin ang aming relasyon dahil hindi na raw niya kayang tiisin ako. Pumayag po ako dahil hindi talaga ako masaya kapag wala si Vince sa buhay ko.  Nagbalik ang sweetness namin hanggang tanungin ako ni Vince kung payag ako na pareho kaming mag-resign sa trabaho, magpakasal at manatili na sa kanilang probinsya. Hindi ko po siya nasagot.

Biglaang nagbakasyon si Vince, sumulat siyang hindi na pwedeng pabayaan ang kanilang negosyo na nalulugi na dahil sa mismanage ng kanyang kapatid. Alam ko rin po na hindi niya kayang talikuran ang pamilya niya. Sa totoo lang po ganoon din ang damdamin ko. Patatapusin ko ang dalawang kapatid ko sa kolehiyo at ang arawang gastos ay nasa mga kamay ko mula nang pumanaw na ang aking ama.

Sa nakikita ko, malabo nang magkabalikan kami ni Vince. Tama lang ba na tapusin ko na ang lahat sa amin kahit sinabi niyang hintayin ko siya dahil babalikan niya ako? Nasa konsiderasyon na po ako na maghanap ng lalaking magmamahal sa akin pati sa pamilya ko. Pagpayuhan po ninyo ako. Maraming salamat po.

Gumagalang,

Marinela

Dear Marinela,

Kung tama o mali, ikaw lang ang makakasagot n’yan. Pero para magkaroon ka ng katiyakan sa iyong desisyon, mag-usap muna kayo ng boyfriend mo at sabihin mo sa kanya ang mga saloobin mo at ang mga plano mo. Ang magiging reaksiyon ang kukumpirma sa feelings mo kung handa ka nang isara ang pinto ng puso mo para sa kanya.

DR. LOVE

vuukle comment

AKO

ALAM

BIGLAANG

DEAR MARINELA

DR. LOVE

IBANG VINCE

PERO

VINCE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with