^

Dr. Love

Hindi pa handa sa romansa

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Lumaki po ako sa pag-aaruga ng aking lola dahil sabay namatay ang mga magulang ko sa isang aksidente. Kay lola ko natutunan ang pagpapahalaga sa aking pagkababae, na dapat ko lang itong ibigay sa lalaking pakakasalan ko.

Kahit pa nagka-boyfriend ako nung high school, nakatatak sa isip ko ang prinsipyong ito ni lola, kaya hindi nagtagal ang pakikipagrelas­yon ko. Ipinangako ko sa sarili na magbo-boy­friend lang uli ako kapag handa na akong mag-asawa at sa kanya ko ibibigay ang virginity ko. Ito raw ang pinakamagandang regalo na ma­ibibigay ko sa aking magiging partner sa buhay.

Wala na po ngayon si lola, nakatapos na ako ng kurso, may matatag na kabuhayan at may sa­rili nang house and lot kaya desidido na akong maghanap ng permanenteng partner dahil 25 years old na rin ako.

Kay Bernie ngayon umiikot ang mundo ko. Ang problema ko po ay ilag ako sa intimacy. Ipinagtapat ko sa kanya ang family background ko at ang kawalan ko ng kahandaan sa ganoong bagay. Handa naman daw siyang maghintay.

Hanggang holding hands at good night kiss lang kami, pero ramdam ko na naghahanap si Bernie ng mas malalim na relasyon.

Minsan pinatulog niya ako sa kanilang bahay at pinanood ng mga x-rated films na hindi ko naranasan sa buong buhay ko, pero walang epekto. Hindi ko maramdaman na handa akong makipag-romansa. Dahil ang tingin ko ay hindi ako maganda at walang magandang katawan na ipapakita sa partner ko.

Pagpayuhan mo po ako. Hindi ko po gustong mawala sa akin si Bernie dahil mahal na mahal ko siya.

Gumagalang,

Aida

Dear Aida,

Huwag mong puwersahin ang sarili mo kung hindi ka pa handang gawin. Magnobyo pa lang naman kayo. Kung nakakatiyak na kayo sa isa’t isa, magpakasal na kayo. Malaking tulong ito para maipalagay mo ang sarili mo tungkol sa pagiging intimate. Kahit gaano pa maging moderno­ ang mundo, nananatiling sagrado ang romansa sa relasyon, kaya nararapat lang gawin sa ilalim ng matrimonyo, gaya ng iminulat sa iyo ng lola mo. 

DR. LOVE

vuukle comment

AIDA

AKO

BERNIE

DAHIL

DEAR AIDA

DR. LOVE

GUMAGALANG

KAHIT

KAY BERNIE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with