^

Dr. Love

Kapatawaran ang hangad

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Hanggang ngayon ay hindi ko po ma­tanggap ang mga nangyayari sa akin, Dr. Love. Una po, natutong lumaban sa akin ang aking bunso at ngayo’y naghahabol sa babae na dati ay halos wala siyang pakialam pero natutunan na niyang mahalin. At ang kahit sa panaginip ay hindi ko maisip na kailangan kong gawin, ang paghingi ng tawad sa aking manugang na hilaw para ma­ayos ang kasong isinampa niya laban sa akin.

Kinasuhan ako ni Edna sa nangyari kung saan sinampal ko siya, sa pag-a­akalang siya ang nagsumbong sa aking mga kapatid tungkol sa malaking hala­gang ipinatalo ko sa sugal. ‘Yun pala ang dati naming kasambahay ang nakabanggit sa kapatid ko.

Nabagok po ang ulo ni Edna. Kala­unan ay nalaman ko na nalaglag ang kanilang panga­l­awang anak ni George, na aligaga para matunton ang kanyang mag-ina. Gusto niyang mabuong muli ang kanilang pamilya.

Dahil sa mga nangyari, nag-iisa na lang po ako sa bahay ngayon. Ni-hindi man lang ako sinisilip ng aking anak lalo na kapag ina­atake ako ng rayuma. Wala ring hakbang si George na tulungan akong ayusin sa labas ng korte ang demanda ni Edna laban sa akin, gaya ng payo ng aking­ abogado.

Nagsisisi na ako sa aking ginawa at sana’y mabigyan pa ako ng isang pagkakataon para mapatunayang hindi naman ako ganoong kasamang ina bago man lang ako igupo ng sakit.

Gumagalang,

ALING ADELA

Dear Aling Adela,

Hindi imposible ang kapatawaran, lalo na kung makikita ang sinseridad sa iyong kalooban. Lahat naman ay nagkakamali, kung minsan lang kailangan ng sapat na panahon para maghilom ang sugat. Kaya maging matiyaga ka para makuha mo ang kapatawaran ng iyong manugang na hilaw, maging ng iyong anak.

DR. LOVE

vuukle comment

AKING

AKO

DAHIL

DEAR ALING ADELA

DR. LOVE

EDNA

GUMAGALANG

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with