^

Dr. Love

Gaya-gaya lang sa kaibigan

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Hindi nga ako nagkamali sa hinala na magpo-propose na ng kasal ang boyfriend ko. Dapat sana’y masaya ako Dr. Love dahil matagal na rin kaming magkarelasyon. Kaya nga lang po, napansin ko na kung ano ang ginagawa ng ka­ibigan niyang si Dante, iyon din ang ginagawa ni Sel.

Noong bumili ng engagement diamond ring si Dante para sa girlfriend niyang si Myrna, inasahan ko nang magkakaroon din ako ng engagement ring.

Sa palagay ko, hindi taos sa puso ni Sel ang mga ginagawa niya para sa akin. Dahil ginagaya lang niya ang kaibigan na malaki ang impluwensiya sa kanya. Hindi po ba tanda ito ng pagiging immature?

Ang inaalala ko, baka kung sa last minute ay makapag-isip si Dante na hindi niya talaga mahal si Myrna, gayundin ang gawin sa akin ni Sel. Hindi ko po gustong makasama habang buhay ang lalaking walang disposisyon at gumagawa lang ng kanyang role model na kaibigan.

Sa susunod na ungkatin ni Sel ang tungkol sa kasal, balak ko pong tanggihan. Pagpa­yuhan po ninyo ako kung normal ang ganitong sitwasyon. Maraming salamat po.

Gumagalang,

 

Florence

Dear Florence, 

Ang tinutukoy mo sa iyong sulat ay obserbasyon mo sa nagiging pagpapasiya ng iyong boyfriend, na ginagaya niya lang ang kanyang kaibigan. Sinubukan mo na ba siyang tanungin tungkol dito?

Kung hindi pa, may posibilidad na nagkakamali ka. Maaaring nagkakataon lang na ganon o kaya’y may ibang dahilan ang iyong boyfriend, hindi natin malalaman unless hingin mo ang side niya.

Naniniwala ako na sa kahit ano mang pakikipagrelasyon, mahalaga ang bukas na komunikasyon. Ito rin ang susi para kahit ang pinakamaliit na detalye ng hindi pagkakaunawaan ay maresolba at lalong maging matatag ang pagsasama.

Kaya pag-isipan mo muna ang iyong bibitiwang pasiya tungkol sa proposal ng boyfriend mo. Tiyakin mo ang sitwasyon at kung mahal mo ba talaga siya? On that point, maiiwasan na magkaroon ka ng pagsisisihan sa huli.

DR. LOVE

vuukle comment

DAHIL

DAPAT

DEAR FLORENCE

DR. LOVE

GUMAGALANG

KAYA

MYRNA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with