PSN Dr.Love ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Hanap si Ms. Right

Dear Dr. Love,

Magandang araw sa’yo Dr. Love, sana ay mailathala mo muli ang aking liham. Nawa’y mahanap ko na sana ang susi sa aking problema.

Tawagin mo na lang akong Alex, 35 years old. Ang problema ko po sa edad ‘kong ito ay wala pa rin akong asawa. Nagkaroon na ako ng dalawang girlfriend. Ang unang girlfriend ko, tumagal kami ng mahigit limang taon pero nagkahiwalay din kami. At ang pangalawa’y tumagal din ng 4 na taon, pero nasayang lang ang lahat sa mga hindi inaasahang mga bagay. Siguro nga ay hindi kami para sa isa’t isa.

Sana po ay matulungan po ninyo ako na makahanap ng babaeng seseryohin at sana ay makatuluyan ko na rin sa habambuhay. Hindi naman ako pihikang lalaki, basta mabait, mapagmahal at tapat.

Maraming salamat po. God bless you, Dr. Love. 

Lubos na nagpapasalamat,

Alex 09192225421

alexsantos143@ymail.com

Dear Alex,

Hindi ko alam, kung bakit kailangan ka pang maghanap ng magiging kasintahan sa pamamagitan ng kolum na ito. Wala ka bang nakakasalamuhang babae na inaakala mong karapat-dapat sa iyo.

Madalas kasi, naririyan lang pala sa tabi-tabi ang hinahanap natin pero hindi natin agad makita.

Pero sige, ilathala natin ang sulat mo pati na ang cellphone at email address mo. Sana’y huwag mo lang gamitin sa ka­lokohan ha?

Dr. Love

  • Follow Us: