^

Dr. Love

Paano maibalik ang tiwala sa sarili

-
Dear Dr. Love,

Kami pong mga mag-aaral ng University of Perpetual Help System Dalta Extension School ay nagpapasalamat ng malaki sa inyong column. Ang dahilan, nakakapulot kami ng magagandang aral at sa tulong ng mga nakikilala naming mga kaibigan sa panulat, nawawala ang aming pagkainip at pagkabagot sa loob ng bilangguan.

Kaya po ako lumiham sa inyo ay nais kong magkaroon ng mga kaibigan sa panulat. Sa pamamagitan ng komunikasyon ay maibabahagi ko ang aking karanasan sa iba at manunumbalik ang tiwala ko sa aking sarili.

Sa pamamagitan po ng inyong malaganap na pahayagan, inaasahan kong matutulungan ninyo akong makatagpo ng mga bagong kakilala o kaibigan sa panulat.

I am very much hoping that you will help me so I can also share my life to others. Thank you very much and more power!

Joseph Braga, 30,

UPHSD Extension School,
1-D College Dorm,
Commerce Department,
Camp Sampaguita,
Muntinlupa City 1776


Dear Joseph,


Salamat sa liham mo. Sana, ang pitak na ito ay makatulong sa iyo at sa iba mong kasamahan diyan sa loob para mabuhayan ng loob at magkaroon ng panibagong pagtitiwala sa hinaharap.

Sa kabila ng pagkakapiit mo, inaasahan ng pitak na ito na hindi mo makakalimutan ang tumawag sa Panginoon para higit pang tumatag ang kalooban mo sa anumang mga darating pang mga pagsubok sa buhay.

Mabuti naman at nagpapatuloy ka ng pag-aaral sa kabila ng naganap na pangyayari sa buhay mo.

Sikapin mong mawala ang galit sa puso mo at matutuhan mo sanang magpatawad sa kabila ng sinapit mong kapalaran.

Alam kong hindi madali ito pero makikita mo, lalaya ang kaisipan mo at ang kinikimkim mong mga paghihimutok sa buhay.

Dagdagan mo pa ang pagpapakabuti at ipakita mong kung anuman ang nagawa mong kasalanan ay pinagsisisihan mo ito.

Manunumbalik lang ang tiwala mo sa sarili kung matatanggap mo na ang nangyari sa iyong karanasan ay isa lang hamon ng buhay na kaya mong malampasan.

Dr. Love

vuukle comment

CAMP SAMPAGUITA

COMMERCE DEPARTMENT

D COLLEGE DORM

DEAR JOSEPH

DR. LOVE

EXTENSION SCHOOL

JOSEPH BRAGA

MONG

MUNTINLUPA CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with