PSN Dr.Love ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Ang ‘crush’ ni Teeny-Weeny

Dear Dr. Love,

Kumusta ka po?  I hope you are in the best of health and no problem na katulad ko sa pagtanggap mo ng sulat kong ito.

Please call me na lang Teeny-Weeny. I want to hide my real identity kasi baka mabasa ng mga friends ko ito dahil avid readers din sila ng PSN.

Ako ay 14-anyos lang at nasa third year high school. Nag-aaral ako sa isang kilalang Catholic school na hindi ko na sasabihin.

Ang guwapo at ang bata pa ng teacher namin  sa Religion. Kaya lang ay isa siyang pari. Crush na crush ko siya. Marami ring iba sa mga classmates ko na crush siya dahil mukha siyang artista at ang ganda-ganda ng boses.

Kapag nagtuturo siya sa amin, napapatunganga ako. Madalas nga ay tinatawag  niya ako pero para akong natutulala. Nakakahalata na yata siya na may gusto ako sa kanya.

I know hindi tama ito dahil pari siya. Paano ko maaalis ang feelings ko sa kanya?

Teeny-Weeny

 

Dear Teeny-Weeny,

Sa gulang mong fourteen, it’s normal to get infatuated with a member of the opposite sex. Pero iyan ay paghanga lang and you must understand that admiration is not necessarily love.

Isa pa, pari siya. May mga vow of chastity ang pari at kung magpapakita ka ng motibo, para mo siyang tinutukso.

I’m sure huhupa rin sa katagalan ang nadarama mo para sa pari. Makisalamuha ka sa mga peers mo and engage in other worthwhile activities para mawala sa isip mo ang paghanga sa isang pari.

Dr. Love