^

Dr. Love

Inspirasyon ang hanap

- The Philippine Star

Dear Dr. Love,

Isa po akong bilanggo at tatlong taon nang nakakulong. Kahit isa lang akong prisonero, tulad ng ibang binata, nangangarap din akong ma­katagpo ng babaeng magmamahal sa akin.

Tubong Navotas, Metro Manila po ako. Nasa Labinlimang taong gulang pa lang ako nang magtungo sa Mindanao para maghanap ng trabaho at makapagpatuloy ng pag-aaral. Nakatapos naman po ako ng high school.

Naghanap ako ng trabaho pero sa sinamang pa­lad, sa lugar na tinitirahan ko napagbintangan akong nagnakaw ng bag at hinuli ako ng mga pulis. Wala akong pera, walang trabaho kaya na­isipan kong umamin na lang sa salang hindi ko kagagawan.

Sinulatan ko ang aking pamilya pero talagang wala silang magawang tulong sa akin. Kaya inihanda ko na lang ang sarili na matapos ang hatol sa akin. Habang nakapiit, sinisikap kong samantalahin ang libreng pag-aaral dito para may matu­tuhan ako na siyang magagamit kong pantulong sa pagpapanibagong buhay sa sandaling makalaya na.

Nais ko po sana Dr. Love na magkaroon ng bagong kaibigan, na maaaring maging inspirasyon ko sa buhay. Sana po ay makatagpo ako sa pamamagitan ng inyong column. Ituturing ko po na isang malaking pabor ang paglalathala ninyo ng liham ko. Umaasa rin po ako na makatawag-pansin sa mga kababaihan ang liham ko.

Maraming salamat at may our good Lord bless you always.

Juvert Ebrada

MSC Camp Sampaguita

Muntinlupa City 1776

Dear Juvert,

Salamat sa pagbabahagi mo ng iyong kasaysayan. May kani-kaniyang pagsubok ang bawat tao sa mundo. Marahil ang iyong sinapit ay siyang nakatakda para matutunan mo ang pagpapa­ha­laga sa pamumuhay sa malayang lipunan.

Bukod pa dito, maaaring patatagin din tayo ng mga pagsubok sa buhay na magpapalago sa ating pakikisalamuha sa mundo. Tama ang pagpapasya mong pagyamanin ang iyong kaalaman kahit nasa loob ka ng kulungan. Lagi mo rin sanang isipin na ilagay sa ayos ang iyong kalagayan din sa loob.

Isama mo ring pagyamanin habang nariyan ka ang iyong buhay-ispirituwal. Ipagdasal mo ang mga kapamilya mo na nasa malayong lugar o maging mga kasamahan mo diyan sa loob. Higit sa lahat, huwag kang makalimot na magpasalamat. Maliit man o malaking pagpapala na natatanggap sa bawat sandali ng ating buhay ay dapat na ipagpasalamat sa ating Lumikha.

Panatilihin mo ang pagiging positibo sa buhay. Kasama mo ang pitak na ito sa hangarin na makatagpo ka ng magiging inspirasyon para sa iyong tuluy-tuloy nang pagbabagong-buhay.

Dr. Love

vuukle comment

AKO

BUHAY

CAMP SAMPAGUITA

DEAR JUVERT

DR. LOVE

JUVERT EBRADA

METRO MANILA

MUNTINLUPA CITY

NASA LABINLIMANG

TUBONG NAVOTAS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with