^

Dr. Love

Alinlangan

-
Dear Dr. Love,

Isang taos-pusong pagbati sa inyong lahat at sa popular ninyong column. Would you believe na bumibili lang ako ng PSN just because of your column? Hindi ko ito pinalalagpas kasi I enjoy reading every letter at hands-up ako sa mga advices ninyo. You are different. And here I am, dumudulog sa inyo needing your help. I hope hindi ninyo ako bibiguin.

Ako po ay isang single parent, hiwalay sa dati kong ka-live in na nagkaroon ng dalawang anak. Pero sa paghihiwalay namin ay naipasya namin na maghati sa mga bata.

Ngayon ay ganap na akong malaya mula sa "impiyerno", sa piling niya dahil iresponsable siya at ako ay kanyang sinasaktan.

Ang akala ko noon, habambuhay na lang akong manhid sa piling niya. Pero hindi pala. Sa paghihirap na dinanas ko’y natuto akong lumaban at galit at poot ang pumalit sa pagmamahal ko sa kanya. Ang nakaraan ko’y ibinaon ko na lang sa limot.

Sa naging karanasan ko, ang buong akala ko’y iisa lang ang mga lalaki: manloloko. Pero hindi pala, Dr. Love, may binatang nagmahal sa akin kasama na ang aking nakaraan.

Ang hirap kong mapaniwala pero kakaiba ang kanyang ipinadama sa akin. Minahal niya ako, nirespeto, iginalang at iningatan at higit sa lahat, pinrotektahan.

Hinangaan ko ang kanyang katatagan dahil minsan ay napasok siya sa trouble sa pagtatanggol sa akin.

How can I deny na mahal ko siya dahil wala siyang ipinakitang masama sa akin? Ilang beses na niya akong niyayang ipakilala sa kanila subalit tinanggihan ko. Kaya umalis siyang malungkot. Sa ngayon, tanging sulat lang ang aming komunikasyon sa isa’t isa.

Pagpayuhan po ninyo ako kung bakit hanggang ngayon ay hindi maalis sa akin ang pag-aalinlangan. Marahil dahil ayaw kong mabigo. Mahal na mahal ko po siya at malaki ang aking tiwala sa kanyang pangako, gayundin siya sa akin.

Ang sabi niya, ugali ko ang nagustuhan niya kaya raw na-in-love siya sa akin. Ang ikinatatakot ko ay baka mawala siya sa akin. Pero magkagayunman, handa ko na ring harapin ito.

Thanks for the chance na mailathala ninyo ang letter kong ito and God bless you always and all the staff members of PSN.

Your avid reader,
Mhillan 2000




Dear Mhillan 2000,

Salamat sa maganda mong liham. Dalangin din namin sa pasulatang ito ang iyong kaligayahan at patuloy na tiwala sa sarili at mga mahal mo sa buhay.

Una, hindi ko maiaalis na magkaroon ka ng insecurities sa sarili at hinaharap dahil sa mapait mong naging karanasan sa pag-ibig. Isa pa, wala sa poder mo ang isa mong anak at walang katiyakang makukuha mo ito mula sa hiniwalayan mong ka-live-in.

Ikalawa, bagaman inibig mo ang pangalawang lalaki sa buhay mo, laging umuukilkil sa utak mo ang unang karanasan at ang pangambang baka sa dakong huli ay manghinawa siya sa iyo at magkahiwalay din kayo.

Bagaman batid mong maganda ang layunin niya sa iyo sa pagyayayang ipakilala ka sa kanyang pamilya, hindi mo ito matanggap sa pangambang tutulan nila ang inyong relasyon. Mas masakit ito para sa iyo.

Anyway, kapag ang isang tao ay umiibig, isinusugal niya sa hinaharap ang kauuwian ng relasyon nilang dalawa. Subalit kung marunong kang manalangin, magtiwala uli at mahusay magdala sa inyong relasyon, mapapawing lahat ang mga agam-agam na nararamdaman mo ngayon.

Hindi pareho-pareho ang mga lalaki. Ang kapalaran mo noon ay hindi siyang magiging kapalaran mo sa hinaharap.

Mas mabuti na ang magbakasakali kaysa hindi ka man lang nagmahal uli. Ang dinaraanan nating landas ng buhay ay hindi laging mabato. Kung minsan, mayroon ding sementado lalo na’t alam mong magpakasikut-sikot at humanap ng alternatibong madaraanan.

Dr. Love

vuukle comment

AKIN

AKO

DR. LOVE

NIYA

PERO

SIYA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with