^

Dr. Love

Mahal pa ba niya ako?

-
Dear Dr. Love,

Itago po mo ako sa pangalang "Otoy", 28 years old at may matatag na trabaho dito sa Makati. Almost 2-1/2 years na rin ako dito pero hindi ito ang problema ko. Tungkol ito sa ex-girlfriend ko. Nakipag-break na po siya sa akin noong March taong kasalukuyan. Pero hindi ako pumayag kahit ganoon ang nangyari.

Patuloy pa rin akong sumusulat sa kanya at dumadalaw at hinaharap naman niya ako. Pero lagi niyang sinasabi na huwag na akong bumalik at hindi na raw niya ako haharapin. Pero hindi naman nangyayari ito.

Birthday po niya noong September 7 at siya po ay 26 years old na.

Minsan nga, niyaya niya ako ng secret marriage. Hindi ako pumayag. Napag-usapan na rin namin ang aming kasal two years from now. Pero yun nga ang nangyari. Spoiled kasi siya.

Mahal pa ba niya ako? Sana i-publish mo ito bago Sept. 7. Mahiyain po kasi ito. Kilala na po siya ng parents at cousins ko. Gayundin po ako sa kanila. Sabi ng best friend niya, iwasan ko na raw at layuan siya. Magulo po ang aking puso at isipan.

Hihintayin ko po ang inyong advice.

Otoy



Dear Otoy,

Sorry at medyo nahuli ang paglalathala namin ng ipinadala mong liham. Masyado kasing na-delay ito sa koreo at isa pa, masyadong marami ang file ng aming mga liham na hindi pa nailalathala, kaya pasensiya ka na.

Anyway, sa tingin ng pitak na ito, maaaring naiinip na ang girlfriend mo sa tagal ng paghihintay ng kasal n’yo. Isa pa, niyaya ka niyang mag-secret marriage pero tinanggihan mo. Maaaring nagdududa na siya sa iyo.

Wala ba namang ibang nanliligaw sa kanya kung kaya’t naguguluhan din siya kung dapat o hindi na sagutin niya ito o magpatuloy pa kayo ng inyong relasyon?

Kung hinaharap ka naman ika mo kahit may banta na siyang hindi ka na niya haharapin kung nagpupunta ka sa bahay nila, tanda lang ito na hindi ka pa niya nakakalimutan at may pagtingin pa siya sa iyo.

Kailangan mo lang tiyakin sa isip at damdamin ng isang babae ang katapatan mo para hindi siya mangamba sa paghihintay ng matagal sa pangakong kasal.

Mag-usap nga kayo nang masinsinan. Baka naman ikaw ay mayroong ibang kinalolokohang chicks. Hindi nadadala sa mamahaling regalo ang isang babae. Ang kailangan lang ay tiyak na damdamin, pag-uunawaan at tiwala sa isa’t isa.

Dr. Love

vuukle comment

AKO

DR. LOVE

NIYA

PERO

SIYA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with