^

Dr. Love

Ayokong mag-isa

-
Dear Dr. Love, Sana’y datnan ka ng liham kong ito na nasa mabuting kalagayan at nawa’y maging ligtas ka sa anumang karamdaman upang marami ka pang matulungan sa pamamagitan ng iyong magagandang mga payo.

Dr. Love, ako po ay 15 taon nang hiwalay sa asawa at may apat na anak na sa ngayon ay mayroon nang sari-sariling pamilya. Ako po ay 44 taong gulang sa kasalukuyan at nag-iisanng nag-aaruga sa aking mga anak. Ang aking ex-husband ay mayroon na pong pamilya at kahit na isang kusing ay hindi ako humingi ng sustento para sa mga bata.

Dahil sa sitwasyon ko ngayon, natatakot ako na pagdating ng oras ay nag-iisa na lang ako kaya naisipan kong sumulat sa iyo at humanap ng makakasama ko sa aking pagtanda. Sana ay matulungan mo ako.

Lubos na nagpapasalamat,

gensky / [email protected]




Dear Gensky,

Nalulungkot ako sa kalagayan mo nguni't palaging may mabuting layunin ang Panginoon Diyos kung bakit pinapahintulutan niyang mangyari ang masasaklap na bagay sa buhay ng ilang taong tulad mo.

Hindi ko pipigilin ang hangarin mong magkaroon ng "katuwang" sa iyong pagtanda. Ang tanging maipapayo ko’y maging maingat sa pagpili kung mayroon mang tutugon sa sulat mong ito.

Ikaw ay nagtatrabaho sa ibang bansa at hindi maiiwasang may tutugon sa iyo na posibleng ang intensyon ay ang salaping iyong naiipon mula sa pgapapatulo mo ng pawis diyan sa Hong Kong.

Higit sa lahat, huwag kang makakalimot manalangin sa Diyos upang gabayan ka Niya at ilihis sa mga mapagsamantala. Naging masaklap ang karanasan mo sa una mong asawa at sana’y maging aral na iyan upang hindi na maulit ang mapait mong karanasan.

Totoong mahirap mag-isa sa iyong pagtanda. Nguni't kung lagi kang mananalig sa Panginoon, hindi ka mag-iisa dahil lagi mo Siyang kapiling.

Sa mga nais makipag-ugnay sa iyo, maaari silang tumugon sa pamamagitan ng ibinigay mong e-mail address.

Ikinalulungkot ko po na walang ibang address na ibinigay si Gensky.

Dr. Love

vuukle comment

AKO

DAHIL

DEAR GENSKY

DIYOS

DR. LOVE

GENSKY

HIGIT

HONG KONG

PANGINOON DIYOS

SANA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with