^

Dr. Love

Naghahanap ng right girl

-
Dear Dr. Love,

A very pleasant day to you, Dr. Love and to all the readers of your cloumn.

Ang pangalan ko po ay Armando Mallorca, 37 taong-gulang, acting COMELEC election officer sa Malabon at hanggang ngayon ay isa pang bachelor.

Mayroon akong 3-taong gulang na anak na lalaki dahil ang relasyon ko sa aking girlfriend noong nasa kabataang gulang pa lang ako ay hindi naging maayos.

Bago ako nakarating sa aking kasalukuyang posisyon, dumanas ako ng maraming pagsubok at hirap. Subali’t nalampasan kong lahat ito at ako ay higit na naging matatag.

Dati akong working student noong nag-aaral pa lang sa kolehiyo. Nakatapos ako ng pag-aaral nang hindi humingi ng kahit isang sentimo mula sa aking mga magulang.

I devote 95% of my time to my job and hopes to be somebody someday. I enjoy working in the government to serve the public in general with honesty.

I like going to disco, to relax once in a while, and also attending business meeting.

Sa kabila ng tagumpay na naabot ko na sa buhay, mayroon pang kulang. No one to comfort me, to look after me and a helpmate. I desire for a life-time partner.

Ang hanap kong babae ay mula edad 18 hanggang 30 taon, simple, matapat, "submissive" and understanding sa aking trabaho.

I hope through your column, I’ll find the right one.

Thank you in advance and more power.

Armando M. Mallorca
2nd floor, MCM Bldg. F. Sevilla st.,
Tanong, Malabon, Metro Manila



Dear Armando,

Medyo nga yata napabayaan mo ang sarili mo dahil sa trabaho kung kaya’t heto, kailangan mong maghanap pa sa pen-pal corner ng isang babaeng tutugon sa pihikan mong panglasa.

Anyway, inilathala namin ang liham mo at sana mula sa bunton ng aming mga mambabasa ay mayroon kang mapipili kapag sinulatan ka ng mga ito.

Kaya lang, kailangang matiyaga ka sa pagsagot ng kanilang mga liham.

Sana, makatagpo ka ng hanap mong babae at good luck sa iyo.

Dr. Love

vuukle comment

ARMANDO M

ARMANDO MALLORCA

DATI

DEAR ARMANDO

DR. LOVE

MALABON

METRO MANILA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with