^

Dr. Love

Problema ng sekyu ni Erap

-
Dear Dr. Love,

May this letter serve you my warmest greetings together with all the staff of PSN. Mabuhay po kayong lahat!

Isali po ninyo ako bilang isa sa masugid na sumusubaybay ng inyong column. Sumulat po ako sa inyo para humingi ng tamang kasagutan tungkol sa problemang dinadala ko ngayon na halos gabi-gabi ay hindi ako pinapatulog at binabagabag ng aking damdamin. Tawagin n’yo na lang akong PSG, 26 years of age, at kasalukuyang naka-duty sa Malacañang Palace bilang Presidential security. Ang problema ko po ay tungkol dito sa babaing napamahal na sa akin nang husto. Siya po ay 19 years old at kasalukuyang nagtatrabaho bilang cashier sa Isetann Recto Dept. Store. Minahal po niya ako nang buong katapatan sa kabila ng hindi niya alam na may asawa na ako. Itinatanggi ko po sa kanya sa tuwing tinatanong niya ako kung mayroon na akong asawa hanggang sa abutin ng isang taon ang paglilihim ko sa kanya. Naging masaya po ang mga araw sa tuwing kasama ko siya at hindi ko na po mabilang kung ilang beses na kaming nagsama sa kaligayahan. Nasa kanya po ang mga katangian na gusto ko sa isang babae. Masasabi ko pong kahit na sinong lalaki ay maiin-love po sa kanya. Napakalambing niya sa akin na kung minsan ay halos makalimutan ko na ang pinakasalan kong babae na ngayo’y nasa ibang bansa at patuloy na nagbabanat ng buto para lang maiahon sa hirap ang kabuhayan ng aming pamilya.

Ngayon po ay nagugulo na ang isipan ko at hindi ko na makayanan ang konsensyang bumabagabag sa kalooban ko. Hanggang dumating ang pagkakataon at ipasya kong ipagtapat na sa kanya ang katotohanan. Halos himatayin siya nang malaman niyang may asawa na ako at nang mahimasmasan ko siya ay iyak siya nang iyak habang panay naman ang suntok niya sa aking dibdib. Bakit ko raw siya niloko, wala na raw silbi ang buhay niya, sinira ko raw ang kinabukasan niya at ang kinatatakutan ko po ay ang sinabi niyang pagsisisihan ko raw ang gagawin niya ngayon sa buhay niya. Ayaw ko po siyang mapahamak at ayaw kong mayroong masamang mangyari sa kanya. Hindi ko po mapapatawad ang aking sarili kapag may masamang mangyari sa kanya.

Dr. Love, tama po ba ang ginawa kong pagtatapat sa kanya? At ano po ang gagawin ko para hadlangan ang binabalak niyang pagsira sa kanyang buhay. Kayo po ang inaasahan kong magbibigay sa akin ng tamang solusyon tungkol dito sa problema ko. Umaasa po ako sa inyong suporta at labis po akong nagpapasalamat sa inyo. Nawa’y ipagpatuloy pa n’yo ang pagtulong at pagbibigay ng suporta sa mga may problemang nais humiling ng tamang solusyon sa inyong column.
Patuloy na umaasa,
PSG ng Malacañang


Dear PSG,

Hindi na puwedeng ibalik ang orasan para maituwid ang isang pagkakamali. Bawat tao ay may pagkakamali at tama lang ang ginawa mo na ipagtapat sa iyong girlfriend na ikaw ay may pananagutan na.

Natural magagalit siya sa iyo. Iyan ay consequence ng isang pagkakamali na dapat mong harapin.

Humingi ka ng tawad sa kanya. Tapusin mo na ang inyong relasyon dahil iyan ay hindi lamang sa batas ng Diyos labag kundi maging sa batas ng tao.

Sikapin mong papaglubagin ang loob niya para huwag nang ituloy ang masama niyang balak. Ngunit huwag mong gawing dahilan ng patuloy mong pakikipagrelasyon sa kanya ang posibleng pagwasak niya sa kanyang buhay.

Manalangin ka na huwag niyang gawin ito at kung mangyayari man, may sumbat sa iyong budhi ngunit wala namang kasalanang hindi pinapatawad ang Diyos lalo pa sa isang taong nagsisisi.

Dr. Love

vuukle comment

AKO

DIYOS

DR. LOVE

ISETANN RECTO DEPT

KANYA

MALACA

NIYA

SIYA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with