^

Dr. Love

Hindi niya ako mahal

-
Dear Dr. Love,

First and foremost, may God Bless you and your family. Isa po ako sa maraming sumusubaybay sa inyong column. Ako po ay si Nella, 20 taong gulang at ipinagmamalaki ko pong sabihing ganap na ang aking pagkadalaga.

Natuto po akong umibig sa isang lalaking may pananagutan na sa buhay bagaman hindi pa siya kasal sa babaeng nag-aangkin ng kanyang puso.

Ang lalaking natutuhan kong mahalin ay itago na lamang po nating sa pangalang "Joneal". Kasamahan ko siya sa trabaho. Bagaman noong una ay lihim na lihim ang damdamin ko para sa kanya sa pangambang iwasan niya ako ay nabunyag din ang itinatago kong lihim.

Nalaman po ni "Joneal" sa isa kong kaibigan na may gusto ako sa kanya. Wala naman pong naganap na ligawan sa amin. Ang alam ko po, basta na lang ako sumama sa kanya na manood ng sine.

Matangi sa hipo at halik, wala namang nangyaring iba sa amin sa loob ng sinehan.

Buhat nang mangyari sa amin iyon, iniwasan na niya ako at sinasabi niyang kahit kailan ay hindi naman niya ako naging girlfriend.

Napakasakit, Dr. Love ng sinabi niyang iyon. Kaya hanggang ngayon ay nahihiya pa ako sa aking sarili dahil nagpahalik ako sa lalaking ni sa hinagap ay hindi naman pala ako minahal.

Ano po ang gagawin ko, Dr. Love? Susundin ko po ba ang sinasabi ng aking mga kaibigan na kalimutan na siya? Kahit sinaktan niya ang aking damdamin ay patuloy ko pa rin siyang iniibig.

Hanggan dito na lang po at God Bless you.

Nagpapasalamat,

Nella




Dear Nella,

Talagang masakit mabatid ang katotohanan na ang minamahal mo ay wala palang katugong damdamin para sa iyo.

Huwag mo na itong ikasama ng loob dahil base sa paglalahad mo sa iyong liham, ikaw naman ang siyang parang nagpahayag ng damdamin sa kanya bagaman hindi direkta kundi sa pamamagitan ng isang kaibigan.

Sumama ka sa kanya sa sinehan, dalawa lang kayo kaya inaasahan niyang hindi ka papalag kung anuman ang gagawin niya sa iyo doon.

Unang-una, kahit hindi kasal si Joneal sa kanyang live-in partner, maaaring ang turing niya dito ay tunay na asawa at wala siyang balak na iwanan ito.

Mahirap nang makipagsapalaran sa ganitong lalaki na bukod sa walang damdamin para sa iyo ay mayroon nang pananagutan. Ibaling mo na lang sa iba ang iyong atensiyon.

Mabuti naman at umiwas na sa iyo si Joneal at ito ay para na rin sa kabutihan mo. Kung ibang lalaki lang siya , maaaring samantalahin niya ang kahinaan mo at damdamin mo para sa kanya.

Sundin mo ang payo nga mga kaibigan mo. Sila rin ang higit na nakababatid kung anong pagkatao mayroon ang sinasabi mong lalaki.

Dr. Love

vuukle comment

AKO

ANO

BAGAMAN

BUHAT

DEAR NELLA

DR. LOVE

GOD BLESS

JONEAL

NELLA

NIYA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with