^

Dr. Love

Teen-age love affair

-
Dear Dr. Love,

Kumusta na po kayo? ako po ay isa sa mga tagasubaybay ng inyong column. Tawagin n'yo nalang po ako sa pangalang flongings 17 year old. Sabi ng aking mga kaibigan ay para raw akong 14 year old karamihan po ng mga nanliligaw sa akin ay mas bata kaysa sa akin. At kakaiba lang po dito si Michael mula 16. Umibig ako kay Michael mula nang una ko siyang makilala. Nag-umpisa siyang manligaw sa akin noong May 2, 2000 at sinagot ko siya noong June 8. Dalawang buwan na po kami noong August 8. Noong umpisa pa lang po ng aming relasyon namin ay palagi kaming magkasama. Malambing siya sa akin kung inihahatid niya ako sa amin ay hinahalikan niya ako bago siya aalis. Pero ngayon bigla siyang nagbago hindi naman po ako nagbago sa kanya. Pinapansin pa rin po niya ako pero hindi po tulad ng dati na pag nagkita kami ay may kaunting lambingan, tawanan. Bakit bigla siyang nagbago? Nagsawa na po ba siya sa akin o hindi na niya ako mahal? Pero ang sabi po ng kaibigan niya at kaibigan ko ay mahal na mahal daw po ako ni Michael, pero hindi lang daw po ito nagpapahalata. At wala naman daw naman po siyang nalalaman o nakikita na ibang syota nito. May plano po sana akong makipag-usap sa kanya. Hindi po ba "cheap" para sa akin na ako ang makipag-usap sa lalaki? Gusto kong malinawagan kung mahal pa ba niya ako o hindi na . Ayaw ko pong umasa sa wala at para tuluyan ko na po siyang makalimutan. Naguguluhan na po ako. Sa tingin n'yo po Dr. Love ay mahal pa ba niya ako o hindi na? Sana po ay mabigyan ninyo ako ng magandang payo para malinawanagan na po ang aking pag-iisip.

God bless you always at maraming salamat.

Gumagalang,
"Flongings 2000"



Dear Flongings,

Hindi ko masasagot ang katanungan mo kung mahal ka pa ni Michael o hindi. Pero tama ng balak mong kausapin siya upang magkalinawagan kayo.

Hindi masagwang kausapin mo siya dahil magsyota naman kayo and it is most unfair sa babae o lalaki kung nagpakita ng panlalamig ang kanyang kasintahan ng hindi niya alam ang dahilan.

Pero sa gulang mong 17, lubhang maaga pa para umibig nang seryoso. At lalong totoy na totoy pa ang boyfriend mo kaya hindi malayong magbago siya ng damdamin dahil sa mura niyang edad.

Huwag mong masyadong dibdibin ang problema mo and concentrate on your studies for a brighter future.

Dr. Love

vuukle comment

AKIN

AKO

AYAW

BAKIT

DEAR FLONGINGS

DR. LOVE

NIYA

PERO

SIYA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with