^

Dr. Love

Pinipilit ang umaayaw

-
Dear Dr. Love,

Isang magandang araw ang hatid na pagbati ng inyong abang lingkod. Sana po ay sapitin kayo ng liham na ito na nasa mahusay na kalusugan at magandang mood para pagtiyagaang himayin ang ugat ng pag-ayaw sa akin ng babaeng nililigawan ko.

Isang teacher si Nimfa. Wala naman siyang boyfriend at sa edad na mahigit nang 30-anyos, sariwang-sariwa pa siya at sa aking paningin ay ubod siya ng ganda.

Ang hindi ko ganap na maunawaan ay kung bakit hindi ako sagutin ni Nimfa gayong tapat naman ang layunin ko sa kanya at hindi naman ako playboy.

Kung mayroon mang naunang mga babaeng naging girlfriend ako, yaon ay mga nasara nang kabanata ng buhay ko at sila ay pawang nagsipag-asawa na.

Itinatanong ko naman sa kanya kung bakit ayaw pa niya akong sagutin. Ang sabi niya sa akin, hindi raw siya bagay sa akin.

Kung nakakaangat man kami sa buhay, hindi naman matapobre ang aking mga magulang at kapatid.

Ang sabi ko pa sa kanya, kung mayroon pa siyang obligasyon sa kanyang pamilya, hindi rin problema iyon dahil sa pagtutuwangan naming balikatin ang responsibilidad na ito.

Kahit mga kaibigan ni Nimfa, nagtaka rin kung bakit hindi pa ito nag-aasawa dahil bagay na bagay naman daw kami para magkatuluyan.

Hindi ko naman masabing ayaw niya sa akin dahil sa panahon ng aming pag-iisa, malambing naman siya sa akin bagaman ang palagi niyang sinasabi, magturingan na lang kami bilang malapit na magkaibigan dahil desidido na raw siyang hindi mag-asawa.

Hindi po naman siya tomboy dahil babaeng-babae naman siya.

Minsan nga, sinasabi ko sa sarili na dadaanin ko na lang siya sa santong paspasan at baka mapabilis ang pagpapakasal namin. Ano po sa tingin ninyo?

Maaari naman akong manligaw sa iba pero sa edad kong lampas na rin sa 30, alam ko na kung ano ang gusto kong babaeng kakasamahin sa buhay. Higit kasi akong nagsusumigasig kung alam kong ayaw kunwari sa akin ng isang babae.

Lubos na gumagalang,

Demi




Dear Demi,

Pareho na nga kayong tumatanda ni Nimfa. Maaaring kayong dalawa ay kapwa may pagkakonserbatibo kung kaya’t ugaling sinauna pa ang sinusunod ninyo sa ligawan.

Anyway, kung sa tingin mo naman ay hele-hele bago quierre itong si babae, bakit kaya hindi mo subukang nakawan siya ng halik? Tingnan mo ang response niya sa iyo. Hindi naman kaya may pagkabano naman ang panliligaw mo sa kanya? Gusto mo pang sabihin sa iyo ni Nimfa na mahal ka niya gayong halata mo namang may gusto siya sa iyo?

Ang pag-ibig nga naman. Iba-iba talaga ang paraan ng pagpapakita ng pagmamahal.

Anyway, ibahin mo kaya ang estilo ng panliligaw? Kung gayong alam na alam niyang siya lang ang nililigawan mo, bakit kaya hindi mo siya pagselosin? Naiinip ka na kamo sa kanya kaya naman sinusubukan mong manligaw sa iba para malimutan mo siya. Tingnan mo kung ano ang magiging reaction niya.

Hangad ng pitak na ito ang pagkakatuluyan ninyo ni Nimfa.

Dr. Love

vuukle comment

DEAR DEMI

DR. LOVE

ISANG

KUNG

NAMAN

NIMFA

SIYA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with