^

Probinsiya

3 utas, 5 arestado sa drug trade

Boy Cruz - Pilipino Star Ngayon

BULACAN , Philippines  – Bulagta ang tatlong  notoryus na drug peddler habang lima-katao naman ang naaresto sa isinagawang magkahiwalay na drug operation ng pulisya at PDEA Region 3 sa bayan ng Sta. Maria at San Rafael, Bulacan kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang mga napatay na sina Alyas Tani Boy ng Brgy. San Jose Patag, Santa Maria, Bulcan; Jerome Corpin ng Brgy. Santa Rosa 1, Marilao; at si Geraldo Clarin, 48, ng Brgy. Pagala sa bayan ng Baliwag at pawang nasa drug watchlist ng nasabing barangay.

Samantala, nakatakdang kasuhan ang mga suspek na sina Lorenzo Gutierrez, Orlando Gutierrez, Keano Renz Gutierrez, mga nakatira sa Brgy. Poblacion; Ryan Catahan ng Brgy. Guyong sa bayan ng Santa Maria; at si Malou Lao ng Brgy. Muzon sa San Jose Del Monte City, Bulacan.

Sa ulat na isinumite ni P/Supt. Raniel Valones sa Camp Alejo Santos, si Tani Boy ay napatay matapos kumasa sa mga awtoridad sa inilatag na buy-bust operation sa Brgy.Catmon sa bayan ng Santa Maria.

Maging sina Corpin at Clarin ay napatay din sa drug operation sa Brgy. Santa Rosa 1, bayan ng Marilao at Brgy. Paco, ba­yan ng San Rafael, Bulacan.

Narekober sa mga suspek ang 11 pakete ng shabu, mga drug parapher­nalia, cal.357 revolver, dalawang cal.38 revolver, mga bala at ang P2,000 marked money.

vuukle comment

ALYAS TANI BOY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with