Ricky nagbukas ng Healing Center
MANILA, Philippines - Silipin ang bagong tayong Mother’s Wellness & Healing Center sa San Juan kung saan ang bida ay Magnesium dahil sa gandang naidudulot nito sa katawan. Bukod dito ay may iba pang services at treatments na handog tulad ng Ozone Therapy, Bio Mat Therapy, Blood Diet Analysis at Naturopathy Healing.
At dahil Mother’s month na sa susunod na buwan, may isang 85 year old na lola na imi-make-over.
Samantala, ang kauna-unahang hair competition sa telebisyon na The Hair Cut ay nasa ikaapat na linggo na ngayon.
Nariyan pa rin ang Softwave Treatment at ang pinakabagong Cryo Hair Treatment kasama ang The Twist para sa mga mahabang buhok na gusto ng kulot sa dulo at para sa mga maninipis na buhok naman ay ang mga wig na kaibig-ibig ni Mother Ricky.
Enroll na sa Ricky Reyes Learning School matatagpuan sa Anonas, Cubao, Manila at Fairview para sa dagdag na kaalaman upang gumanda ang buhay.
Panoorin ang The World of Gandang Ricky Reyes sa Sabado (April 8) 9-10am sa GMA News TV.
- Latest