^

PSN Showbiz

Manager ni Pia na si Jonas may karapatang magalit!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Kausap ko kahapon sa telepono si Jonas Gaffud, ang manager ni Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach.

Pinayuhan ko si Jonas na huwag magpaapekto sa mga emote ng isang reporter na natalakan niya sa isang presscon noong Miyerkules dahil may karapatan siya na ipagtanggol si Pia.

Kung ako ang nasa lugar ni Jonas, baka mas matindi pa ang ginawa ko, lalo na kung nakita ko ang may malisya na pagtatanong kay Pia ng reporter.

Matagal na si Jonas sa modeling at beauty pageant industry bago siya naging active sa pagma-manage ng career ng mga artista at ngayon lamang natin nabalitaan na nasangkot siya sa isang isyu dahil sa pagpoprotekta niya kay Pia.

Nakakalokang isipin na pilit na pinagre-react si Pia sa isyu ng pagkakaroon ng anak ng kanyang boyfriend na si Marlon Stockinger samantalang hindi naman siya ang direktang sangkot sa isyu. Sinagot ni Pia nang maayos ang tanong sa naunang presscon na hindi ikinatuwa ni Jonas dahil in bad taste talaga na binibigla o binubulaga ang mga celebrity o artista.

Kampi ako kay Jonas sa isyu ng pagtalak nito sa reporter dahil alam ko ang pakiramdam niya dahil talent manager din ako. Baka nga hindi na umabot pa sa ganoon ang sitwasyon kung nakipag-usap nang maayos kay Jonas ang reporter na dapat na mag-ingat sa pagtatanong, lalo na kung sensitibo ang mga isyu.

Kris sinugalan ng fan

Na-meet ko kahapon si Mama Doray aka Rhodora Pascual Morales, ang producer ng Trip Ni Kris, ang travel show ni Kris Aquino.

Kinumpirma ni Mama Doray na fan ito ni Kris kaya kahit walang alam sa pagpo-produce ng mga television show, sumabak siya sa isang business na kulang ang kanyang kaalaman.

Kumbinsido si Mama Doray na makakabalik si Kris sa entertainment industry dahil Kris Aquino is Kris Aquino.

Na-excite nga raw ang mga advertiser nang malaman na may travel show si Kris. Ang sey ni Mama Doray, malaki ang tsansa na masundan pa ang pagpo-produce niya ng mga project para sa kanyang hinahangaan na Queen of All Media.

Hindi rin affected si Mama Doray sa mga pang-iintriga na makakatapat ng travel show ni Kris ang Sunday night show ni Vice Ganda.

Nag-produce si Mama Dory ng show para kay Kris, hindi para makipag-compete kay Vice Ganda.

Saludo si Mama Doray sa mga executive ng GMA-7 dahil madaling naaprubahan ang concept niya para sa travel show ni Kris.

Mula sa Nueva Ecija si Mama Doray at ang pagnanais na matulungan ang tourism industry ng bayan niya ang isa sa mga nag-udyok sa kanya na mag-produce ng show ni Kris.

Na-delay ang telecast ng Trip Ni Kris dahil nabagsakan ng bakal ang paa nito.

Hangang-hanga si Mama Doray sa professionalism ni Kris dahil itinuloy nito ang taping, kahit may nararamdaman na sakit sa kanyang paa.

Plano ni Mama Doray na makipag-usap sa mga opisyal ng Department of Tourism dahil alam niya na malaki ang maitutulong ng Trip Ni Kris para lalong sumigla ang tourism industry ng bansa natin.

Kim Henares Nami-miss ang startalk

Kasama nga pala ni Mama Doray sa lunch date namin kahapon si former BIR Commissioner Kim He­nares.

Nahiya ako nang sabihin nina Mama Kim at Mama Doray na loyal viewers sila ng Startalk.

Alam ko na nagsasabi nang totoo ang dalawa dahil knows nila ang halos lahat ng mga showbiz issue na napanood noon sa nag-babu sa ere na showbiz talk show.

vuukle comment

JONAS GAFFUD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with