^

Pang Movies

Anak ng actor nasa drug list ng PNP!

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa

True kaya na nasa drug list ng PNP ang isang anak ng actor na actor din?

Yup, alam na raw ito ng actor (ama) pero in denial ang bagets actor (anak) kaya walang magawa ang ama.

Ang mismong PNP Chief daw na si Gen. Bato dela Rosa ang nag-advice sa ama ng young actor.

Pia at Marlon parang live in na raw

May karibal si former Miss Universe Pia Wurtzbach sa boyfriend niyang karerista ng kotse na si Marlor Stockinger. ‘Yun ay ang kanyang bagets na pamangkin  na si Lara.

Naka-post sa Instagram account ng dating Miss U ang photo ni Marlon na nakahiga sa kama habang nakatingin ang kanyang pamangkin. Ang caption ni Pia “Lara that’s MY boyfriend not yours.”

Maraming naaliw sa nasabing photo dahil para nga namang nakatitig ang pamangkin niyang 4 years old, pero marami ring nagmalisya kung live in na sina Marlon at Pia dahil para nga namang nasa isang room na lang sila nakatira.

Kasalukuyang naka-stay sa isang hotel sa Makati si Pia with her family at dito rin sila nag-celebrate ng Valentine’s ng boyfriend.

Carmi tinilian pa ng mga batang nasawi sa tanay

Grabe, nakita pa palang buhay ni Carmi Martin ang mga estudyanteng naaksidente kahapon sa Tanay, Rizal. May taping daw kasi sila para sa Better Half (ABS-CBN) at sumigaw pa ang mga batang ito ng pangalan niya nang madaanan ng bus ang lugar na pinagsu-shootingan nila. Heto ang caption niya sa wasak na bus na sinakyan ng mga estudyante ng isang eskuwelahan sa Novaliches. “I saw this kids before they died.... i was in Tanay this morning shooting for Better half and this blue bus passed by with kids sooo happy for their field trip. They even shouted Carmi Martin... then seconds later... 14 of them are killed by an accident.”

Ang amin pong dasal at pakikiramay sa mga naulila ng mga kawawang estudyante na nabiktima ng nasabing trahedya.

vuukle comment

PNP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with