^

Metro

Bebot itinumba sa QC

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Binistay ng bala hanggang sa mapatay ng hindi pa nakikilalang armadong mga suspek ang isäng 35-anyos na babae na umanoy isäng drug perso­nality, kahapon ng madaling araw sa Quezon City.

Kinilala ng pulisya ang biktima na si Cristeta Ramos, alyas Kleng-Kleng, na binaril at napatay sa isang bahay sa Alton Street, Iwous Compound, Brgy. Batasan Hills, QC.

Ayon sa testigo na si Ruby, kalaro umano niya ng baraha si Kleng-Kleng sa may  ikalawang palapag ng bahay, nang biglang dumating ang mga suspek na may takip ang mukha at hinanap ang pangalang Cristeta.

Anya, agad sumagot si Kleng-Kleng na sya si Cristeta kayat walang pasubaling dinampot ng mga suspek ang una at saka dinala sa ibaba ng bahay.

Nang nasa ibaba na ng naturang bahay ay agad itong pinagbabaril ng mga suspek hanggang sa mamatay.

Nang matiyak na patay na ang biktima ay agad na tumakas ang mga suspek palayo sa crime scene.

Sinasabing ang biktima ay nasa drug watchlist ng naturang barangay.

Ang kasong ito ay patuloy na binubusisi ng pulisya.

vuukle comment

CRISTETA RAMOS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with