^

Punto Mo

Kampo ni Leni na-‘wow mali’ sa ‘palit-ulo’?

SUPALPAL! - Non Alquitran - Pang-masa

HINDI matapus-tapos ang debate tungkol sa “palit-ulo” na ikinakasa ng Philippine National Police (PNP) para madakip ang bigtime pushers sa war versus droga ni President Digong. Maging sa social media, nagpapalitan ng komentaryo ang maka-Digong at siyempre ang kampo ni Vice Pres. Leni Robredo. Kahit nagpaliwanag na si DILG Sec. Mike Sueno at PNP chief Dir. Gen. Ronald dela Rosa, aba wa epek pa rin ito sa kampo ni Mam Leni, di ba mga kosa? Ang masama lang, itong isyu ng “palit-ulo” ang ginamit ni Mam Leni sa kanyang video na ipinadala sa UN kung saan isinumbong niya ang mga negatibo sa war versus illegal drugs ni Digong, lalo na ang 8,000 EJK. Itong video sa UN ang dahilan para mag-alboroto ang mga ka-DDS at nagpaplano pa na magsampa ng impeachment proceedings versus Mam Leni, di ba House Speaker Pantaleon Alvarez Sir? Salamat na lang at nakialam si Digong at nag-utos na ‘wag nang ituloy ang impeachment proceedings versus Mam Leni at nakahinga nang maluwag ang kampo niya, di ba mga kosa? Pero maaga pa para husgahan kung nagkabati at nagkasundo na sina Digong at Mam Leni kahit na magkatabi pa sila sa upuan noong commencement exercise ng PNPA Class ’17 sa Laguna. Hehehe!

Subalit sa ilang dekada ko sa police beat, itong “palit-ulo” ay pamilyar na sa akin, lalo na noong panahon ni President Noynoy. Si kosang Jonathan Mayuga naman ang nagsabi na itong “palit-ulo” ay nagsimula pa noong panahon ni dating Pres. Ferdinand Marcos. Hehehe! Baka mas matanda pa sa akin si kosang Mayugs, di ba mga kosa? Bueno sa pakikisalamuha ko sa police operatives, itong “palit-ulo” ay taktika nila para malambat ang bigtime drug pushers. Sa ‘‘palit-ulo” tama ang pahayag ng kampo ni Mam Leni na mga mahihirap ang unang nahuhuli. Kaya lang sa “palit-ulo” ay ituturo ng nahuling mahirap ang source niya ng shabu at presto hahantingin ito ng police operatives. Kapag nahuli ang malaking isda, ang mahirap na nahuli ay maaring pakakawalan o kakasuhan ng mahinang kaso dahil sa kanilang kasunduan, di ba mga kosa? Ang hindi lang nakaabot sa kampo ni Mam Leni ay ang “palit-ulo” ay nagagawan din ng paraan ng mga pulis para kumita. Halimbawa, kapag nasakote na ng mga pulis ang malalaking isda, ang gagawin nila ay itatago ang mga ebidensiya tulad ng cash at shabu kung saan nag-ugat ang akusasyon na “recycle.” Kung hindi man, lilimasin ang mga bank account o sisingilin ang pinautang ng malaking isda, lalo na kapag Chinese, para kumita sila. Tiyak deny to death sina Sueno at Bato dito sa pagkakitaan na anggulo ng ‘‘palit-ulo.”Ano sa tingin n’yo mga kosa? Hehehe! Kanya-kanyang gimik lang ‘yan!

Ayon naman sa kampo ni Mam Leni, ang “palit-ulo” ay huhulihin ng mga pulis ang kamag-anak ng mga mahihirap na sangkot sa droga para palutangin sila. Hehehe! Hindi na mag-aksaya ng panahon ang PNP sa sistemang ‘yan dahil wala silang kikitain Mam Leni. Kung mahirap ang naunang nahuli, tiyak mahirap din ang miyembro ng pamilya nila kaya nganga ang PNP. Sa totoo lang, pilit pa ring dinidepensa ng spokeswoman at legal officer ni Mam Leni na tama ang mga dumarating na balita sa kanila tungkol sa “palit-ulo.” Nitong nagdaang araw, nanawagan pa ang kampo ni Mam Leni na lumutang na ang may alam ng bersiyon nila sa “palit-ulo.” Ibig sabihin kaya nito na “wow mali” o hindi first hand ang nakuhang impormasyon o tsismis lang ang ipinarating ng kampo ni Mam Leni sa UN? Boom Panes! Hehehe! Minsan karuwagan din sa dibdib ang pag-amin ng pagkakamali. Get’s n’yo mga kosa?

Dahil sa naging mainit na isyu itong “palit-ulo” sa kampo nina Digong at Mam Leni, ang nasisiguro ko lang ay hindi na ito gagamitin ng PNP, di ba Sir Bato. Kaya dapat ibaon na lang sa limot ang isyu ng “palit-ulo” at mag-move on na lang tayong mga Pinoy kahit mahirap nang magkaisa dahil sa namamayaning masalimuot na pulitika sa bansa. Abangan!

vuukle comment

PNP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with