^

Police Metro

12% ng Filipino adult may hypertension

Doris Franche-Borja - Pang-masa

MANILA, Philippines -  Umaabot sa 12 porsi­yento ng Filipino na nasa ‘adult stage’ ang may hypertension.

Ito ang inihayag ni Health Secretary Pauly Jean Ubial  batay sa isinagawa  nilang survey kasabay  ng pahayag na namamana ang high blood pero maiiwasan kung may healthy life style.

Sinabi pa ng Kalihim na ang pagbalewala sa pagtaas ng blood pressure ay maaring magresulta ng stroke, brain o heart attack.

Base rin sa  survey, maraming Filipino ang hindi nagpapatingin sa doctor kahit pa alam na nilang may sakit na sila.

Pinayuhan ni Ubial ang publiko na kaagad magpakonsulta sa doctor sa sandaling makaramdam ng pananakit ng ulo, batok at panghihina.

 Anya, karamihan sa may high blood pressure ay walang nararamdaman kaya’t ito ang dahilan kaya hindi napipigilan ang stroke at heart attack na nagiging daan minsan ng biglaang pagkamatay.

vuukle comment

PAULY JEAN UBIAL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with