^

Kutob

Abril 17, 2017

Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

Pagtitibay: Ang makapangyarihan Manlilikha noon ay siya ring ngayon at magpakailan man. Hindi ako mababahala, dahil sa sapat na pagtitiwala sa Kanya.

ARIES (Marso 21-Abril 19) –  Maraming gawain subalit kailangan bigyan ng panahon ang pahinga. Isang kasambahay ang maglalambing, maghanda dahil may kailangan. Lucky numbers at color for the day ay 5, 18, 21, 36 at jade green.

TAURUS (Abril 20-Mayo 20) –Magiging makulay at masaya ang takbo ng relasyon na hindi kinakailangang magsayang ng pera. Sa simpleng pagpapakita ng pag-aalala at kalinga, mapapalago ang pagmamahalan. Lucky numbers at color for the day ay 5, 26, 38, 42 at violet.

GEMINI (Mayo 21-Hunyo 21) –  Isang proyekto ang hahamon sa talino at ga­ling. Malamang mahirapan ka subalit kung pagsisikapan ay magtatagumpay. Lucky numbers at color for the day ay 10, 23, 32, 43 at gray.

CANCER (Hunyo 22-Hul­yo 22) – Unti-unting makakamit ang tagumpay kung patuloy ang pagsisikap. May pangyayaring kailangang mamagitan ka. Lucky numbers at color for the day ay 3, 22, 34. 41 at orange.

LEO (Hulyo 23-Agosto 22) – Walang magiging problema sa buong araw kung magpapakatino ka. Huwag kalimutang magpasalamat sa Maykapal. Lucky numbers at color for the day ay 10, 29, 35, 40 at brown.

VIRGO (Agosto 23-Set­yembre 23) – Tuluyan nang mawawala ang minamahal dahil sa pride. Hindi maiiwasan na sisihin ang sarili. Anumang desisyong gagawin, panindigan nang buong tatag kahit masakit sa kalooban. Lucky numbers at color for the day ay 7, 15, 25, 30 at green.

LIBRA (Setyembre 24-Oktubre 23) – Dalawa ang mukha ng pag-ibig, kaligayahan at kalungkutan. Kung kaligayahan ang daranasin, magpasalamat; kung kalungkutan, huwag magtaka dahil sadyang ganoon ang gulong ng buhay pag-ibig. Lucky numbers at color for the day ay 6, 18, 25, 37 at violet.

SCORPIO (Oktubre 24-Nobyembre 22) –Anuman ang gagawin tiyakin na hindi labag sa kagandahang-asal o hindi magreresulta sa kapahamakan ng iba o ng sarili. Lucky numbers at color for the day ay 4, 13, 29, 33 at yellow.

SAGITTARIUS (Nobyembre 23-Disyembre 21) – Anuman ang gawin, kaila­ngan ang maayos na pagpaplano. Huwag magpadalus-dalos dahil walang katiyakan ang takbo ng panahon. Lucky numbers at color for the day ay 3, 19, 24, 36 at cream.

CAPRICORN (Disyembre 22-Enero 19) – Kung nag-aaral, malaking problema ang relasyon sa pag-ibig. Iwasan ang magpatangay sa bugso ng damdamin dahil dadalhin ka sa kapahamakan. Lucky numbers at color for the day ay 9, 18, 27, 36 at white.

AQUARIUS (Enero 20-Peb­rero 18) – Walang puwang ang magkamali, kaya kung kailangang magdesisyon, gawin ang dapat nang walang pag-aalinlangan. Lucky numbers at color for the day ay 2, 9, 26, 40 at blue.

PISCES (Pebrero 19-Marso 20) –  Hindi maiiwasan ang argument subalit mailalayo ang sarili sa hindi pagkakaunawaan. Huwag patulan ang nanadya. Lucky numbers at color for the day ay 7, 23, 34, 40 at lilac.

vuukle comment

KUTOB

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with