^

PSN Showbiz

Arnold Clavio pinatahimik ni Bato

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Hindi umubra ang galing ni Arnold Clavio kay PNP Chief Ronald “Bato” dela Rosa sa Jackpot En Poy segment ng Eat Bulaga.

Luz Valdez as in talo si Igan nang maglaro sila kahapon ni Papa Bato ng Jackpot En Poy. Talo as in wala kahit isang panalo si Igan ‘ha?

Parang bata na talon nang talon si Papa Bato nang manalo siya pero hindi naman umepekto kay Mang Tani ang husay niya.

Tinalo ni Mang Tani si Papa Bato, pati sina Ryzza Mae Dizon, Sinon Loresca, at Baeby Baste sa jackpot round.

Ang sabi nga ni Vic Sotto, mahirap talunin si Mang Tani dahil magaling ito sa forecast.

Mabuti na lang, nag-win si Mang Tani dahil parang nanalo na rin si Igan bilang magkasama sila sa GMA News.

Kim at Meg may banggaan agad-agad

Ngayon ang presscon ng D’Originals ng GMA News & Public Affairs.

Starring sa D’Originals sina Jaclyn Jose, Katrina Halili, LJ Reyes, Kim Domingo, at Meg Imperial.

Puwede nang umapir si Meg sa mga show ng GMA-7 dahil tapos na ang kontrata niya sa ABS-CBN.

May isyu na hindi “friends” sina Kim at Meg sa set ng D’Originals kaya tiyak na uusisain sila ng entertainment press tungkol sa dedmahan portion nila.

Tingnan natin kung magpapakatotoo sina Kim at Meg sa presscon ng D’Originals at magpapanggap sila na okey ang lahat.

At least, pinag-uusapan ang bagong afternoon show ng GMA-7 dahil sa alleged feud nina Kim at Meg ‘ha?

Pia at Marlon hindi pa nag-aaway sa social media

Ipinipilit ng mga intrigera na hindi na pina-follow nina Pia Wurtzbach at Marlon Stockinger ang social media account ng isa’t isa pero hindi ito totoo.

Follower pa rin ni Pia si Marlon at pina-follow pa rin nito ang girlfriend niya.

Sikat kasi si Pia kaya nakatutok ang karamihan sa lahat ng mga kilos at activities niya.

Kung kasing-sikat ni Pia si Angelica Jane Yap aka Pastillas Girl, tiyak na isyu na hindi na niya pina-follow ang Instagram account ni Mark Neumann.

May tsismis na hiwalay na sina Pastillas Girl at Mark pero huwag tayong mag-expect na aamin sila dahil never na inamin nila sa publiko ang kanilang relasyon.

Mutual decision umano ang paghihiwalay nina Mark at Pastillas Girl dahil gusto nila na mag-concentrate sa kanilang mga showbiz career.

Jessica Soho nahanap na Ang forever

Congrats kay Jessica Soho dahil nag-renew siya kahapon ng kontrata sa GMA-7.

Tunay na Kapuso si Mama Jessica dahil nagsimula sa GMA-7 ang career niya bilang broadcast journalist.

Buong-buo ang kredibilidad ni Mama Jessica kaya kumbaga sa pelikula, blockbuster ang lahat ng mga TV show niya, sa GMA-7 at sa GMA News TV.

May mga kakilala ako na hindi pinalalampas ang State of the Nation, ang news program ni Mama Jessica sa GMA News TV dahil ito ang paborito nila sa lahat ng mga news program sa telebisyon. 

Sa contract signing niya kahapon, nagbitaw ng salita si Mama Jessica na sila ng GMA-7 ang may forever at true naman ang statement niya.

vuukle comment

ARNOLD CLAVIO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with