^

PSN Palaro

Junior tracksters masusubukan

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines -  Masisilayan ang bakbakan ng pinakamatitikas na junior tracksters sa rehiyon sa paglarga ng 12th South East Asian (SEA) Youth Athletics Championships na gaganapin mula Marso 27 hanggang 28 sa Ilagan City Sports Complex sa Iligan City, Isabela.

Dumating na sa bansa ang mga foreign tracksters na magpapartisipa kabilang ang Brunei, Hong Kong, Indonesia, Iraq, Malaysia, Sabah Malaysia, Sabah Kinabalu, Singapore, Sri Lanka at Timor Leste.

Idaraos ang parada mula City Hall hanggang Ilagan Sports Complex sa alas-4 ngayong hapon bilang hudyat ng pagsisimula ng 12th SEA Youth Athle­tics Championships ngunit magsisimula ang labanan sa Lunes.

Pangungunahan ni PATAFA president Philip “Ella” Juico kasama ang mga kinatawan ng Iligan City ang mainit na pagtanggap sa mga kalahok ng torneong may basbas ng Asian Athletics Association at International Athletics Association Federation.

Paglalabanan ang 36 gintong medalya sa SEA  Youth Athletics kung saan umaasa ang PATAFA  namakikipagsabayan ang Pinoy young tracksters na karamihan ay produkto ng Palarong Pambansa.

Matapos ang SEA Youth Athletics, sunod na aarangkada ang Philippine National Open Invitational Athletics Championships sa Marso 30 hanggang Abril 2.

Ang National Open ang magiging basehan ng PATAFA upang makapili ng mga atletang isasabak sa 2017 Southeast Asian Games na gaganapin sa Agosto sa Kuala Lumpur, Malaysia.

Nakataya naman ang 98 gintong medalya sa National Open.

Masisilayan sa National Open ang mga miyembro ng national team kabilang na sina Marestella Torres-Sunang, Christopher Ulboc, Jesson Ramil Cid, Mervin Guarte, Edgardo Alejan Jr., Archand Christian Bagsit at Janry Ubas.

Pakay ng PATAFA na makabuo ng malakas na koponan para sa SEA Ga­mes dahil target ng asosasyon na malampasan ang limang ginto, pitong pilak at siyam na tansong medalyang nakamit nito noong 2015 Singapore Ga­mes. 

 

vuukle comment

JUNIOR TRACKSTERS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with