^

Metro

Random drug testing sa high school iginiit

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines -  Dapat nang maisagawa ang random drug testing sa high school.

Ito naman ang apela ni Manila 6th District Councilor Joel Par sa Division of City Schools upang maiiwas  sa iligal na droga hangga’t maaga ang mga high school students mula sa  pribado at pampublikong paaralan.

Ang ‘‘RESOLUTION STRONGLY URGING THE MANILA DIVISION OF CITY SCHOOLS TO CONDUCT RANDOM DRUG TESTING OF SECONDARY LEVEL STUDENTS OF BOTH PUBLIC AND PRIVATE HIGH SCHOOLS IN THE CITY OF MANILA IN SUPPORT OF PRESIDENT RODRIGO DUTERTE’S WAR ON DRUGS’’ ay inaprubahan  ng konseho sa pangungu-na ni Manila Vice Mayor Presiding Officer Vice Ma-yor Honey Lacuna.

Ayon kay Par, panahon na upang  ipatupad  ang  random drug testing upang maiwasan na rin ang  pagtaas ng  bilang ng mga high school students na  nasasangkot sa illegal drugs.

Lumilitaw na bagama’t may kampanya ang pama-halaan laban sa iligal na droga, may mga estudyante pa rin ang nasasangkot upang takasan umano ang kanilang  mga kahirapan sa buhay.

Sa pamamagitan ng random drug testing, malalaman ang mga estudyante na dapat na bigyan ng ayuda ng pamahalaan upang maisalba ang kanilang  kinabukasan.

Hindi na dapat na uma­bot na maging miyembro pa ng sindikato ang mga kabataan at maging kalaban pa ng pamahalaan.

vuukle comment

DRUG TESTING

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with