^

Metro

White taxi units, bawal muna sa NAIA

Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Tiniyak ni Manila International Airport Authority (MIAA) general manager Ed Monreal, sa mga pasahero ng may 300 white taxi unit sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) na ang kanilang mga reklamo laban sa mga abusado, pasaway, at mga bastos na taxi drayber ay hindi nila binabalewala kundi ito aniya ay kanila nang inaaksyunan makaraang pagbawalan  muna nila na pumila o kumuha ng pasahero ang mga ito sa apat na terminals ng NAIA.

Ayon kay Monreal, noong Hulyo ay pinapayagan ang white regular taxi na makapasok sa mga terminals ng paliparan para kumuha ng mga pasahero upang makapili ang mga pasahero ng nais nilang  sakyan.

Sabi ni Monreal, sa NAIA terminal 1, karamihan ng mga eroplano dito ay mga international flights na umabot aniya sa 200 regular taxi ang pinagbawalan nilang makapasok sa ngayon. 
Sa Terminals 2 at 3 ay may 100 units ng regular taxi ang pinagbawalan sa ngayon.

Sabi sa ulat, ang mga istilo ng mga abusadong taxi drayber ay mag-overpricing at pagtanggi na ibaba ang kanilang taxi meter.

Ayon kay Monreal, hindi niya kukunsintihin ang mga kabal­balang pinaggagawa ng mga taxi drivers para lokohin ang ating mga turistang dumarating sa bansa.

vuukle comment

MANILA INTERNATIONAL AIRPORT AUTHORITY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with