^

Pang Movies

John Lloyd at Sarah babawi raw sa pananahimik!

SPORTS EYE - Baby E - Pang-masa

Loveteams obviously are here to stay, Salve A., dahil muling magtatambal sina Sarah Geronimo at John Lloyd Cruz sa pelikula this year na may titulong Dear Future Husband.

Blockbuster ang tatlong pelikulang pinagsamahan ng dalawa, ang A Very Special Love, You Changed My Life at It Takes A Man and A Woman.

Hindi naging active si Sarah with showbiz projects last year. Ganundin si John Lloyd.

In fact, ang tanging significant event na puwedeng ituring ni Sarah na kanyang ginawa noong 2016 ay ang kanyang concert na The Great Unknown: Unplugged na ginanap sa Kia Theater.

In the case of John Lloyd, lumikha ng ingay ang kanyang movie with Charo Santos, Ang Babaeng Humayo,  (The Woman Who Left). Directed by Lav Diaz ang pelikula at nakakuha ito ng international recognition sa isang major filmfest sa abroad.

LizQuen, KathNiel, at AlDub lalagare sa pelikula at TV

Kasalukuyang nagsu-shooting ang magka-love­team na sina Liza Soberano at Enrique Gil ng pelikula na ang direktor ay si Cathy Garcia-Molina, titled My Ex and Whys.

Huling napanood ang dalawa noong 2016 sa seryeng Dolce Amore, which was partly shot in Italy.

Itong My Ex and Whys na kaya ang reunion movie nina Sharon Cuneta at Gabby Concepcion?

Samantala, hindi lang another move ang tatrabahuin nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla after their successful team-up in Barcelona: A Love Untold dahil may gagawin din silang series together.

Isang series naman ag pagtatambalan ng AlDub tandem na sina Maine Mendoza at Alden Ri­chards na may titulong Destined to Be Yours.

Last year, the  love team did a movie, ang Ima­gine You and Me, na ginawa ang kabuuan sa Italy.

Vice waiting kay John Lloyd

Overwhelming daw ang naging feeling ni Vice Ganda, nang  natupad na ang matagal niyang pa­nga­rap mapasok at makapagdasal sa loob ng St. Peter Basilica in Rome kasama ang kanyang ina, mga kapatid at ilang kaibigan.

As we all know, Vice Ganda and company spent the holidays in Paris. First time niyang magdiwang ng Pasko at Bagong Taon sa ibang bansa. And for him daw, iba pa rin ang Pasko at Bagong Taon sa Pilipinas.

Meanwhile, back to work na muli si Vice Ganda. Busy siya sa paghu-host ng noontime show na It’s Showtime.

At tuwing Sunday, nagho-host naman siya ng kanyang programa na Gandang Gabi, Vice.

His plan for 2017 is to do a movie with John Lloyd Cruz.

Well, in that case, siniguro ni Vice na kasama niya sa cast si Awra Briguela. And you will be secured of a blockbuster movie.

Yeng pinagbigyan ng asawang ‘wag munang mag-anak

Walang pagbabagong hiling sa kung anumang biyayang natanggap niya last year si Yeng Constantino. Maging sa professional o personal life niya. Wish niya na ang blessings na natanggap niya last year ay magpatuloy.

It was, no doubt, nga naman kasi a good year for Yeng ang 2016

Sa rami ng kanyang trabaho, halos ‘di na siya magkandaugaga.

Yeng, though, said, walang murmur of complaints na narinig sa kanya. Ginusto niya raw ang maging busy. Kaya, grateful daw siya for all the blessings.

Blessed din daw siya having understanding husband si Yan Asuncion. She has his blessings na huwag muna silang mag-anak for a few more years, until such  time, when prepared na prepared na silang dalawa for parenthood.

Nasa Africa ang mag-asawa noong Holidays.

vuukle comment

SARAH GERONIMO AT JOHN LLOYD CRUZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with