^

PM Sports

La Salle kampeon din sa UAAP women’s football

Olmin Leyba - Pang-masa

MANILA, Philippines -  Tinapos ng La Salle ang kanilang  perfect campaign  sa pamamagitan ng title-clinching 3-1 panalo laban sa University of Santo Tomas noong Linggo ng gabi sa UAAP LXXIX women’s football finals sa Rizal Memorial Stadium.

Umatake sina National mainstays Sara Castañeda at Inna Palacios sa hu-ling bahagi ng laban nang basagin ng  Lady Archers ang 1-1 standoff tungo sa 9-0 sweep ng tournament para sa ikasiyam na football title ng DLSU.

Pitong taon na nang huling makatikim ng korona ang Lady Archers upang masundan ang tagumpay ng kanilang women’s volleyball team noong Sabado.

Pambawi rin ito sa masaklap na pagkatalo ng DLSU lady booters sa finals noong nakaraang taon matapos ang kanilang magandang simula.

“It’s about time. The girls deserve this considering that we’re not a complete team, healthy team. And with the injuries and everything there and coming out champions with a perfect season, what else can I say?” pahayag ni DLSU coach Hans Smit.

Iniligtas nina Castañeda at Palacios, mi-yembro ng Phl squad na nag-qualify sa 2018 AFC Women’s Asian Cup ang mga La Sallians.

Nakaiskor si Castañeda mula sa pasa ng kanyang kapwa National player na si Irish Navaja  para iangat ang La Salle sa 2-1 sa 87th minute. Umiskor naman si goalkeeper Palacios, naglaro ng kanyang final game, ng mailap na goal mula sa penalty kick  na sumiguro ng panalo ng La Salle.

Unang nakaiskor ang DLSU sa 57th minute mula kay Kyra Dimaandal  na sinagot ni Hazel Lustan, makalipas ang 12 minuto.

 

vuukle comment

LA SALLE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with