^

Pang Movies

Maine babad sa pakikipag-usap kay Sef

Vir Gonzales - Pang-masa

MANILA, Philippines -  Mainit man ang panahon ay tuluy-tuloy pa rin ang taping ng Destined To Be Yours nina Alden Richards at Maine Mendoza.

Lahat daw ay aktibo sa set maliban lang kay Maine na abala lagi sa pakikipag-chat. Malimit daw mapansing laging may ka-chat ang dalaga at ayon pa sa source, lagi raw itong nakangiti na tila aliw na aliw sa kausap niya.

Kwento ng nakasaksi, minsan daw ay nakikipag-usap ito sa set nang bigla na siyang kailanganin sa eksena. Agad daw niya itong pinutol at nabunyag tuloy na si Sef Cadayona pala ang kanyang kausap.

Nagtatanong tuloy ang iba kung totoo bang sina Maine at Sef na?

May nagkomento na baka raw pagod na si Maine sa gimik nila ni Alden.

Well, abangan na lang natin kung ano ba ang totoo.

Coco mas type kasama ang mga beterano

Mistulang nag-reunion ang bigating stars na sina Eddie Garcia, Eddie Gutierrez at Susan Roces na mga former Sampaguita stars noong magkita-kita sila sa taping ng FPJ’s Ang Probinsyano na pinagbibidahan ni Coco Martin.

Salamat kay Coco dahil napagtagpu-tagpo niya ang mga ito.

Idea ng aktor na gawing guest sa show ng mga artistang sikat pero bihirang mapanood.

Pumasok ang character ni Eddie Gutierrez noong litisin si Mike Loren na nagsabi ng katotohanang walang kasalanan si Cardo (Coco) sa serye.

Marami ang pumupuri kay Coco dahil hindi siya makasarili, na sarili lang ang gustong tulungan at payamanin.

Coney hindi OA  ang drama

De kalibre ang style of acting ni Ms. Coney Reyes kapag drama. Hindi siya bumubulahaw sa pag iyak o kaya’y naglulupasay at humagulgol ng napakalakas. Simple lang ang pag-iyak ni Coney noong matuklasan ng anak na si Ria Atayde ang pagkawala ng anak nito na kagagawan pala ni Coney.

Kwento ng veteran actress, doktora siya sa istorya at hindi kailangang ma­ging exaggerated ang kanyang pag-iyak sa eksena.

Humahanga rin si Coney sa bagong child wonder ng showbiz na si Nayomi “Heart” Ramos.

Napakagaling daw umarte nito na tiyak ay mami-miss niya kapag tutuldukan na  ang istoryang humahakot ng commercials sa Kapamilya network.

vuukle comment

ALDEN RICHARDS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with