^

Police Metro

Digong sa OFWs: ‘Mag-iskandalo kayo!’

Ellen Fernando - Pang-masa

Kapag binuksan ang mga bagahe nyo…

MANILA, Philippines -  Mag-iskandalo kayo!’

Ito ang na­ging payo ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga Overseas Filipino Wor­kers (OFWs) kapag pinakialamang buksan ng mga airport o customs personnel ang mga bagahe sa pagdating nila sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Sa pananalita ni Duterte sa harap ng libu-libong OFWs sa Lusali Sports Arena sa Doha, Qatar ay ipinabatid nito na hindi na dumadaan sa inspeksyon ang mga bagahe ng mga OFWs sa kanilang pagdating sa NAIA.

“Kung buksan bag ninyo, you raise hell, make a scandal,”pahayag ni Duterte.

Iginiit ng Pangulo na walang dahilan upang buksan at pakialaman ang mga bagahe ng mga umuuwing manggagawang Pinoy mula sa ibang bansa.

Ito ay kasunod na rin ng mga reklamo ng mga OFWs na nananakawan ng kagamitan o kaya nakikikilan sila sa tuwing umuuwi at dumadaan sa paliparan sa Pilipinas.

“Wala na ‘yung Customs, darating ang balikbayan, ‘wag n’yo na pakialaman, hard-earned money ‘yan,” ayon sa Pangulo.

Pinayuhan pa ng Pa­ngulo ang mga customs employees na baguhin na ang kanilang istilo dahil seryoso umano siya sa pagsugpo ng korapsyon hanggang sa pinaka­mababang posisyon sa gobyerno.

Nauna rito, dumating ang Pangulo sa Hamad International Airport sa Doha, Qatar mula Bahrain para sa kanyang ikatlo at huling leg ng kanyang anim na araw na state visit sa Middle East.

Sa kanyang pagbisita sa Qatar, naki­pagkita ang Pangulo sa mga Qatari businessmen sa isang forum na layu­ning makahikayat ng mga mamumuhunan sa Pilipinas at sinundan ito ng pakikipagkita niya sa Filipino community sa naturang arena.

Sa tala, may 250,000 OFWs ang nagtatrabaho at nakatira sa Qatar na nag-aambag sa ekonomiya ng Qatar at Pilipinas.

vuukle comment

RODRIGO DUTERTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with